Chapter 12

564 18 0
                                    


Mitch POV


Hanggang ngayon, nasa locker room parin ako naka-upo sa sahig habang nakayuko. Mahigit 1 hour na 'ko dito, ako lang mag-isa, eh. Ngayon na kasi ang report namin sa English pero ayuko lang pumasok. Kukulo pa and dugo ko kapag nakita ko ang impaktang 'yun.


Kung itatanggal ko kaya ang wig ko, ano kaya ang reaction nila? Impossible naman na nganga silang lahat. Simula ngayon, hindi na ako natatakot kila Nicole at sa limang gangster. Kung gusto man nila nang away, okay game ako.


Ngayon, nagpanggap lang ako nang nerd kasi baka may mang-bastos sakin. Sexy kasi ako manamit, eh. Magsout ng crop top lang. Tapos, maikli ang short. 'Yan ako manamit ..


Pero ngayon, iba na. T-shirt tapos sinamahan ko lang na jacket at pants na kulay itim at shoes na black, 'yan ang susuotin ko.


Nagpanggap kasi ako ng nerd dahil alam ko na maraming naghahabol sakin na lalaki kapag ipakita ang mukha ko. Kagaya nang nasa U.S ako. Muntik na 'kong ma-rape. Dahil sa sout ko na nakita ang tiyan at legs, 'yan ang dahilan kung bakit ako nagpanggap.


Ayuko nang maulit 'yun. Kaya nga pinapunta ako ni daddy dito sa pinas at dito ko pinatuloy ang pag-aaral ko att nagging nerd.


Pero malas, eh. Lumala pa yata dito. Akala ko kasi na dito na sasaya ang buhay ko, pero hindi pala. Dumagdag yata..


"Bes!"


Napalingon ako sa kanan nang may tumawag at si Bakse lang pala. Tumakbo naman siya papapunta sakin at umupo sa harapan ko.


"Okay ka lang?" Pag-alalang tanong niya at hinawakan ang braso ko. Hindi nalang ako sumagot at yumuko ulit.

"Bwesit talaga ang Nicole na 'yun! Nang-gigigil na 'ko, ah? Sarap imodmod sa sahig, eh! Pero bilib talaga ako sayo kanina. Ngayon palang ako nakakakita ng babae na katapang magalit. Lumaban ka na, ah?" Sabi niya. Habang ako ay nagmumukmuk lang at nakikinig sa mga sinabi niya.


Ganun talaga. Lumaban kahit mahirap. Pero hindi pa 'yun sapat para sakin. Kulang
nalang mapatay ko 'yun, eh.


"Mat!"


"Hoy!"


"Bes!"


Bigla akong nabuhayan nang hinampas niya ako sa braso. Napatingin naman ako sakanya.


"Nakikinig ka ba? Kanina ka pa tahimik, eh. Parang tanga na 'ko ditong dada nang dada, eh, hindi ka naman nakikinig!" Sabi niya. Napairap nalang ako at hinimas ang braso ko dahil sa hampas niya.


"Ah, teka! Class hours pa, ha? Bakit ka nandito? 'Wag mong sabihing nag-cutting ka?" Tanong niya. Tumingin nalang ako ulit sakanya at tumango bilang sagot.


"Oh my god! Gaga! Bakit hindi ka pumasok?!" Taranta niyang sabi.


"Bakit? Hindi ka rin naman pumasok, ah?" Kalmado kong sabi habang nakatingin sa ibang direction.


"Wala kasi si prof, eh. Hehe." Sagot niya.
Biglang lumitaw sa isip ko ang report namin. Ano na kaya ang nangyari do'n?


~krrrrriinngg~


"Bell na. Segi, uwi na 'ko, ah? Bye, Mitch!" Paalam niya. Tumayo siya at tuluyan na din siyang naglalakad papalayo sakin. Habang ako ay nakatingin sakanya.


Napatingin nalang ako sa kaliwa nang nagsilabasan ang mga estudyante. Agad nalang akong tumayo at inayus ang damit ko.


Napansin ko naman na nasitinginan sakin
ang mga estudyante at napataas naman ako ng kilay dahil nag-bubulungan sila.

"Grabe siya maka-sabunut!"


"Oo nga, walang respito, eh!"


"Hay, nako! Halika na nga baka tayo pa ang masapak niyan, eh!"


Masasapak ko talaga kayo kapag hindi pa kayo tumigil!’


Ano bang paki nila kung sinabunutan ko si Nicole? Sya naman ang nagsisimula, eh. Kaya lumaban ako.


Lalakad na sana ako nang nakita ko si Patrick na nakatayo mula sa malayo at nakatingin sakin. Tinarayan ko nalang at dumaan sa kabilang direction.


Napansin ko din na tumakbo siya papalapit sakin kaya dali-dali akong lumakad hanggang sa naharangan niya ako.


Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sakanya. Dadaan sana ako sa kaliwa nang hinarangan niya ako ulit, kaya dadaan ako sa kanan kaso hinarangan niya ako ulit.

Dahil sa inis na inis na 'ko, bumalik ulit ako sa dinadaanan ko. Nakalimang hakbang pa 'ko ay hinarangan niya ako ulit.


"Ano ba! Dadaan ako, eh!" sigaw ko. Tumingin naman siya sakin ng masama.


"Bakit hindi ka pumasok? Alam mo namang may report tayo, 'di ba?"


"Oo, alam ko! Tsaka, pwede ba! Dadaan ako, eh!" Taray kong sabi at dadaan sana sa kaliwa nang hinarangan nya ako. Kainis!

"Bakit ba ang sungit-sungit mo?" Inis niyang tanong sakin. Hindi niya ba alam ang nangyari kanina?

"Paki mo kung masungit ako?!" Napa-cross arm naman siya at tumingin sakin na malagkit na para bang huhubadan niya ako. 'Yan na nga ba ang sinasabi ko, eh.


"Tsk! Ano bang problema mo?!" Taray nitong tanong sakin..


"Problema ko? Ito! Itong paaralan na 'to! Bakit ba sa dinami-daming paaralan dito sa pinas, dito pa 'ko napadpad? Ewan ko ba! Palagi nalang akong inaapi, eh! Hindi na 'ko maka-fucos sa pag-aaral ko! Kailangan ko lang ng space, kaso sumiksik si Nicole, eh! Kaya pwede ba, Patrick? Layuan mo muna ako. Ayuko lang na madamay ka pa sa gulo, please.." Pagmama-kaawa ko sakanya..


Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko.. Tanga mat? Hayts.


Agad naman syang lumapit sakin. Sa sobrang lapit. Umatras ako agad. "Anong sabi mo?"


Anong ginagawa niya? Ang sabi ko layuan niya ko, pero bakit siya lumapit? Anong bang balak niya?


Nagulat naman ako nang hinawakan nya ang dalawang kamay ko at hinimas-himas niya. Kunot noo ko siyang tiningnan dahil sa inaasta niya.


"Teka! Ano bang ginagawa mo?" Inis kong tanong at binawi ang kamay ko. Napatingin naman siya sakin.


"Mat, sa sinabi mo, hindi ko magagawa 'yun. Ito lang ang makasagot ko." Sabi niya at lumapit naman ang mukha niya sa mukha ko.


"Hindi kita lalayuan dahil.. hindi ko kaya."
Ngumiti naman siya.


"Halika," agad niya akong hinila.


"Aray ko!" Sigaw ko sa sakit. "Ano ba, Pat!" Sigaw ko sakanya pero hila parin sya nang hila sakin.


Badtrip naman, oh!


Teka! Saan ba niya ako dadalhin??


©Itsme_kwenny

To be continued..

The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now