Chapter 36

414 17 0
                                    

Mitch POV


Hanggang ngayon patuloy parin kaming naglalakad ni bakse papuntang library. Hindi naman sa sobrang layo, ngunit biglang pumasok sa isip ko si Red. Nasaan na kaya sya?


Miss ko na si Red, ilang araw ko na kaya syang hindi nakikita? Simula no'ng araw na final results namin sa Queen Bee. Maayos kaya sya ngayon? Masaya kaya sya ngayon?


"Baks," tawag ko kay Bakse. Napahinto naman sya at lumingon sakin.


"Bakit?" sabi nya.


"Uhm... Nakalimuta ko 'yung libro ko sa locker ko. Kukunin ko lanh, ah?" Sabi ko at aakmang aalis na sana ako nang pinigilan nya ako.


"Sasama ako."



"Ay, hindi na! Baka wala na tayong table pagbalik natin kung sasama ka pa. Mauna ka na lang, para makakita ka agad ng table. Babalik ako, saglit lang naman." Sabi ko. Natahimik naman siya saglit.


"Oh, segi." Sabi nya. Tumango nalamang ako at umalis na.


Nang nakalayo nakayo kay Bakse, agad akong tumakbo papuntang locker room. Nagbakasakali akong nandoon si Red. Hays! Sana matapos lahat ang mga problema dito sa campus. Pagkatapos ng lahat, sana may magbago pa.


Pagdating ko sa locker room. Agad akong nagtungo sa locker ko ngunit, napahinto ako nang nakita ko si Red na nakaupo at nakasandal sya sa locker. Nakaangat pa ang kanang tuhod niya at doon ipinatong braso.


Dahan-dahan naman akong lumapit at tumabi sakanya. Napasandal nadin ako sa mga locker. Ano kaya ang problema nya?


"Red, okay ka lang?" Pag-alalang tanong ko sakanya. Pero wala parin syang emosyon at nanatili parin syang tahimik.


"Ano sa tingin mo?" Cold nyang sabi habang hindi nakatingin sakin.


Ano kaya ang problema nya? Halata kasi sa mga mata nya na may problema. Sa Mata palang ang lungkot na. Kawawa naman. Agad nalang akong umiwas.


"Mitch!" Sabi nya.. Napalingon naman ako sakanya. "Bakit ganun? Ginawa ko naman ang lahat pero parang kulang pa rin. Parang hindi yata sapat ang ginawa ko para sayo." sabi nya sabay tingin sakin. Nagulat naman ako sa mga sinabi nya.


Ano ba 'yang pinagsasabi nya? Hindi ko maintindihan. Ibig sabihin, pati sya may gusto sakin?


"Red–" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang pinutol nya kagad.


"Minsan kasi, kahit alam mong masasaktan ka lang, andiyan ka pa rin. Naghihintay at umaasang may nagbago pa. Pero wala, eh. Ilang oras akong naghintay, ilang araw akong umasa pero walang nagbago. Ewan ko ba. Wala, eh. Mahal ka ni Patrick. Mahal din kita. Wala akong choice, basta lang maging masaya ka, masaya na rin ako. Wala na kasing pag-asa, 'di ba?" sabi nya. Halos dudurog na yung puso ko sa mga sinabi nya. Kung hindi lang sana ako napunta dito, wala sanang masasaktan.


Hindi ko na alam kung anong masasabi ko. Hindi ko rin namalayan na may tao na pala akong nasasaktan. Hindi ko na rin namalayan na tumulo na pala luha ko.
Ganun na din si Red.


The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now