Kabanata 14

1.4K 73 5
                                    

| Kabanata 14 |


Enero 5, 1890

Mga estúpido! Bakit napakahirap nilang umintindi? Siempre ha sido así! No me sorprenderia, sila'y hamak na mga utusan lamang. Walang mga pinag-aralan!

Maghintay lamang si Ama, makikita niyang unti-unti siyang mawawalan ng mga taga-silbi rito. Kahit siya'y magdagdag pa, akin naman iyong babawasan. Lalabanan ko siya sa paraang hindi niya aasahan.

Verá lo que puedo hacer, Ama.

Martina


Dinala na namin ang bayong sa kalesa. Kahit na ayaw ni Isay na sumama pa ako ay hindi nalang siya umimik. Dahil iyon siguro sa nangyari kanina at natatakot siyang kausapin ako dahil magkadugtong ang mga kilay ko. Nakakairita naman kasi ang babaeng 'yon.


Akala mo kung sino, hindi naman kagandahan para umasta ng ganoon.


Hindi ba nasa kaarawan siya ni Ama? Bakit hindi ko siya nakita noon, bago at pagkatapos nilang mag-away ni Joaquin? Tsaka pati ang pamilya niya ay hindi ko nakitang lumapit at bumati kay Ama? Tsaka kung magkaaway silang dalawa ni Kristina, bakit hindi niya ako hinarap noong araw na 'yon? Natatakot ba siya kay Ama?


Alam ko kung bakit, para hindi masira ang imahe niya. Eh hindi ba siya natakot kay Joaquin na baka ichismis siya nito? But hindi na naman siya mahihiya at matatakot doon, eh boyfriend niya 'yon. Saka isa pa, hindi naman ata chismoso ang mga kalalakihan sa panahon na 'to dahil edukado at may respeto naman ata sila sa ibang tao, lalo na sa babae, at lalo na kung ang babae ay may respeto rin sa iba. Basta ako, papatulan ko talaga 'yon kapag umulit pa at nakita ko pa ang nakalukot na mukha niya habang nakaismid sa akin. Mas lalo kong lulukutin. Aba, nananahimik ako rito eh.


Napatingin ako sa laket na nasa leeg ko. Mag-aalas onse y medya na pala. Baka nakauwi na sina Ina at hinahanap na ako sa bahay. Lumingon sa akin si Isay matapos niyang ipasok sa loob ang bayong at sinara ang pinto ng kalesa.


"Saan niyo po nais pumaroon, Binibini?" tanong niya.


Umiling ako, "Hindi na siguro. Malapit na ang pananghalian at baka nakauwi na sina Ina at hinahanap na tayo," tugon ko.


"Sige po, Binibini," tugon niya at binuksan ang pinto. Nagpasalamat naman ako sa kaniya at sumakay na. Sumunod rin naman siya at sinara ang pinto.


"Sa susunod nalang tayo mamamasyal," usal ko at umupo na.


"Opo, Binibini–ang ibig kong sabihin, Senyorita," aniya. Ayan na naman ang Senyorita na 'yan.


Hindi ko talaga naimagine na magiging Senyorita ako. Sa 2020 kasi kahit pa mayaman ang mga Del Veriel at mga Cavillian hindi kami pinalaking spoiled or pasenyorita ang buhay na makukuha lahat ng gusto o mamuhay sa pag-iisip na may maraming pera. Hindi nga marami ang mga maids namin sa bahay, dahil gusto nina Mama na independent kami. At hinuha kong magkasalungat kami ni Kristina. Alam kong magkasalungat kami.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now