Kabanata 6

2.2K 96 2
                                    

| Kabanata 6 |


Agad akong napamulat nang makarinig ako ng mga boses na may sumisigaw, nag-uusap at tunog ng mga paa na parang nagtatakbuhan at nagmamadali. Una kong nakita ang sitwasyon kong nakasalampak sa kalsada. At hindi 'yon mala-uratex na kalsada na makinis at malambot sa katawan kun'di maalikabok at lupa ito.


Oh Goodness! What happened?!


Napatingin ako sa mga tao na ngayon ay nakapalibot sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang itsura nila. B-bakit sila naka-suot ng mga kamisa de chino, baro't saya, at mahahabang mga damit?


Oh goodness! Anong nangyayari at nasaan ako?!


Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Anong nangyari sa buong paligid? Bigla namang nahawi ang mga tao at may dalawang babaeng dali-daling lumapit sa akin, na halata sa mukha ang pag-aalala.


"Anak, anong nangyari sa iyo? Ayos lang ba ang iyong kalagayan? May masakit ba sa iyo?" may pag-aalalang sabi ng isa at tinulungan nila akong makatayo.


What? Anak?


Pinagpagan nila akong dalawa at agad na namilog ng mata ko nang makita kong nakasuot na ako ng baro't saya. Kasabay din no'n ang mas lalong pagbilis ng tibok ng puso ko.


Dali-dali akong napalingon sa dalawang babae, "S-sino kayo? What did you do to me? Where are we? Anong lugar 'to?" kinakabahan kong tanong.


Agad namang napatigil ang dalawa sa pag-aayos ng damit ko at nagkatinginan silang dalawa, saka lumingon sa akin.


"Kristina, anak, ano ba ang iyong sinasabi?" medyo malungkot na sabi niya, "Siguro ay pagod ka lamang buhat ng inyong paglalakbay," sabi niya sa akin na parang ang sarili niya lang ang kausap.


Paglalakbay? Ano ba ang sinasabi nila? Nasagasaan ako, hindi ako naglakbay, duhh.


"Sorry po, pero hindi ako si Kristina. Kailangan ko na pong umuwi. Saan po ang sakayan dito?" sagot ko.


Nagsipagtaasan naman ang mga kilay nila dahil do'n. Nakakatawa naman 'to. Pero teka, bakit wala man lang akong galos at bali sa katawan tsaka dugo? Tsaka nasaan ang kotse?


"Kristina, pamangkin, mukhang labis na pagkabalisa ang naging dulot ng ating paglalakbay sa iyo. Ang mabuti pa'y umuwi na tayo ngayon din upang ika'y makapagpahinga," sabi naman n'ong isa.


Sino ba naman kasi ang Kristina na 'yan at dinamay pa ako sa mga kalokohan ng mga tao na 'to? And bakit lahat ng nakikita ko makaluma? And bakit sobrang lalim ng dalawang 'to kung makapagsalita?


Napalinga-linga ako sa paligid, tumitingin kung may kakilala ba ako dito. Wait! Nasaan ang matandang witch kanina? Kung ano-ano pa ang sinabi at tinulak pa ako. Wala ata 'yon sa katinuan.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now