Kabanata 19

1.2K 58 12
                                    

|Kabanata 19|


Disyembre 21, 1889

Labis kong minamahal ang aking mga kapatid. Mas nanaisin kong ako pa ang mahirapan at masaktan kay Ama, huwag lamang sila. Ginawa na nila ang lahat para sa akin, kaya gagawin ko ang aking makakaya upang sila'y aking maprotektahan. Lalo na sina Kuya Lucas at Marco. Hindi ko na talaga maatim ang pagiging hindi patas ng Teniente Mayor na iyon.

Mga Kuya, narito lamang ako para sa inyo. Ako na ang bahala.

— Martina



"Saan ka pala nakatira, Ginoong Agustin?" Tanong ko habang naglalakad kami sa kalsadang gawa sa bato, patungo sa Kayle Iyalago.

Tinanong niya kasi kanina kung saan ako papunta matapos naming maikot ang bayan, ngunit hindi naman sa kabuuan talaga. Kaya naman ay sinabi niyang ihahatid niya nalang ako papunta sa Bulwagan ng Pagpupulong, na ayos lang naman sa akin dahil hindi ko naman alam kung saan ang daan papunta do'n, tsaka baka makasalubong ko pa 'yong tatlong mga magnanakaw na 'yon. 

"Uh...," sambit niya, "diyan lang sa tabi-tabi."

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya, at bahagya akong natawa, "May lugar ba ritong tabi-tabi ang pangalan?" ani ko.

"At saka, hindi ka naman mahirap kung titignan. Nahold-up ka nga eh. Tsaka ang suot mo ay mukhang mamahalin pa kaya hindi ako naniniwalang diyan ka lang sa tabi-tabi nakatira," pagkontra ko.

Napaisip naman ako saglit nang hindi siya nagsalita at ngumiti lang.  "Ah, alam ko na. Anak ka ng isang negosyante or haciendero rito noh?" Taas kilay kong tanong na naging dahilan ng pagtawa niya ng marahan saka niya inihilig sa kanan ang kaniyang ulo. 

"Hmm, parang ganoon na nga, Binibini," aniya.

Chus, pahumble pa itong si Agustin, halata namang anak mayaman eh.

"Tsaka bakit mo nga pala nakadaupang palad ang mga 'yon? Parang namutla ka pa yata noong nakaharap mo sila eh," tukso ko sa kaniya.

Mabait itong si Agustin, parang matagal na nga kaming magkakilala eh, sa sobrang feeling close ko. 

Natawa naman siya, "Hindi kaya, Binibini. Tinatantya ko pa lamang ang aking ikikilos at kanilang mga galaw kaya hindi muna ako kumibo," aniya. "Kaso nga lang ay mayroong binibining pumagitna sa pangyayaring iyon na hindi man lang alintana ang panganib," pasaring niya. 

"Eh, kasi naman nakakaawa ang itsura mo kanina," natatawang dahilan ko.

Pero kapag nalaman talaga nina Kuya kung ano na naman ang ginawa ko, hindi na talaga ako makakalabas pa ng mansiyon. Mabuti nalang at mukhang hindi kilala ni Agustin sina kuya. Mukhang ang alam niya lang ang pagiging anak ko ng Teniente Mayor ng bayan na ito. 

"Ngunit alam mo ba, Binibini? Ako ay napahanga sa iyong katapangan at lakas ng loob na suongin ang ganoong klaseng sitwasyon. Hindi ko lubos akalaing ang Senyorita Martina ay ganoon ang ugali," hindi makapaniwalang usal niya.

"Ang naririnig ko kasing usapan at diskusiyon tungkol sa iyo ay kasalungat ng kung ano ang aking nakita kanina lamang," dugtong niya pa.

Dahil sa sinabi niya ay natawa ako, tawang sobra na ipinagbabawal na gawi ng mga kababaihan kaya naman nagkasalubong ang kaniyang mga kilay.

Eh syempre Agustin, hindi naman ako 'yon, si Kristina kaya 'yon.

Napatikhim nalang ako bago nagsalita, "Ginoong Agustin, huwag kang maniwala sa mga sabi-sabi. May mga bagay kasing hindi naman tama pero iyon ang ipinagkakalat nila," wika ko.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now