Kabanata 22

1.3K 55 21
                                    

|Kabanata 22|

Disyembre 15, 1889

Ang pag-ibig ay darating sa panahong iyong hindi inaasahan. Ngunit, mas mabuti na ito ay huwag ng dumating. Aking nababatid na nagdadala lamang ito ng kirot sa puso.

Martina



Napakurap ako ng ilang beses at napatingin kina Kuya. 


Ano raw? Niyayaya niya akong lumabas? Parang makikipagdate? Bakit naman namin gagawin iyon? Eh hindi naman kami magkasintahan.

Teka, teka, sandali lang. Sobra naman yata iyang iniisip ko. Hindi ba pwedeng sa ngalan lang ng pagkakaibigan?

“Ano nga uli ang iyong winika?” pag-uulit ni Kuya Lucio.

Ang kaninang nakatawang pagmumukha ng tatlo ay napalitan na ngayon ng seryoso at makulimlim na aura. 

Hala, lagot ka ngayon, Primitivo.


“Nais ko sanang yayain si Binibining Martina pumaroon sa sentro ng bayan,” ulit niya.

Lumingon naman siya sa akin ng nakangiti kaya tinugunan ko rin. 

“Iyon ay ayos lang naman sa akin,” sagot ni Kuya Marco kaya napalingon ako sa kaniya. 


Kung makasagot naman ito mukhang siya pa iyong niyaya.

“Hindi ka ba abala ngayong araw, Ginoong Primitivo, at mamamasyal kayo ng aming kapatid?” pagsasawalang bahala ni Kuya Lucio sa sagot ni kuya Marco at seryosong nakatingin kay Primitivo. 


“Ah, sadyang inilaan ko talaga ang araw na ito upang yayain ang Binibini,” walang alinlangang aniya.

Ay, talaga? Kung ganoon, kapag tumaggi ako masasayang ‘yong araw niya at walang nagawa? 


“Hmm,” tumatangong tugon niya. “Ayaw naman kitang hadlangan sa nais mo, Ginoong Primitivo, dahil kung tutuusin ay mamamasyal lang naman kayo,” pasya ni Kuya Lucio. “Alam kung ganoon din naman ang tingin ni Lucas sa bagay na iyan,” aniya saka bumaling kay kuya Lucas.

Tipid naman itong tumango pero seryoso pa ring nakatingin kay Primitivo.
 

“Ang tanong lamang ay kung papayag ba si Martina riyan,” dagdag niya saka bumaling sa akin.

Napatingin naman silang lahat sa akin at naghihintay ng sagot. Lalo na si Primitivo. Nginitian ko sila saka tumango. “Oo, ayos lang naman sa akin,” sagot ko.

Kaibigan ko naman si Primitivo kaya ayos lang. Saka gusto kong makilala pa siya ng husto. Isa pa, wala rin naman akong ginagawa, mas mabuti na mag-ehersisyo rin ako, maglakad-lakad sa labas. 


“Kung ganoon naman pala ay ayos na. Maaari na kayong umalis,” turan ni Kuya Lucio.

Sa Taong 1890Where stories live. Discover now