"Ang tadhana na at ang kalikasan ang bahala sa lahat." Wika niya saka binuklad ang dalawang palad ng kanyang kamay.Nagugulumihanan akong tumingin sa kanya ngunit nakatutok siya sa kanyang mga palad.Maya-maya pa ay may lumitaw na berdeng ilaw rito at lumaki pa ng lumaki.Hindi ko maiwasang mamangha.Totoo nga ang mahika. "Masdan mo ang lumalaking ilaw na ito Amanda.Ito ang mahikang kayang makapatay ng kahit anong nilalang.Ang lakas at kapangyarihan nito ay nakadepende rin sa kanyang hugis, anyo at laki." "Paano niyo nagagawa ang ganitong paraan? Bulong ko. "Dahil may matindi tayong koneksyon sa kalikasan pati na rin sa mga diwatang inatasan na mag-alaga rito.Sila ang mga totoong may kapangyarihan ngunit dahil sa lumalalang kapintasan ng mga tao, napilitan silang magkaloob ng mga kakaibang kakayahan.Kakayahang mangalaga sa planetang ito.Upang manatili ang kaayusan at katahimikan lalo na para mapigilan ang mga masasamang nilalang na alagad ng mga itim na demonyo." THE WITCH'S DAUGHTER Cover by Hermana Francisco Date Started: November 19, 2016
24 parts