Chapter 12: Veredical Dreams

196 17 0
                                    

The world if full of mysteries and secrets.Hindi ko akalain na sa dinami-dami ng mga tao dito sa mundo, ako pa ang napili ng tadhana sa mga sitwasyon na ito.I never knew that witches really exist.Hindi ko alam na may katotohanan pala ang mga maligno kahit na alam ko naman na somewhere ay nage-exist sila.Akala ko kasi normal na ang buhay ko kahit na pinaparatangan akong isang mangkukulam na noon ay wala namang makapagpapatunay.

"Amanda, pinapatawag ka sa Principal's office."
Napaangat ang ulo ko mula sa pagkakadungok at hinarap ang isa sa mga kaklase ko.

"Sige.Pero ikaw muna ang magbantay dito."
Saad ko.0

"Aish.Basta bilisan mo lang huh."
Iritang payag niya saka umupo sa pwesto ko.

September 20, Monday at ito ang unang araw ng Foundation Week ng school namin.Nakalatag na sa buong ground ng campus ang mga iba'ibang boots na tinayo ng mga estudyante.Kahapon daw kasi ay sinimulan na ang pag-aayos kaya kaninang umaga pagdating ko ay naka-ready na ang lahat.Sa section namin, ako ang piniling magbantay pero sa totoo lang ayoko talagang magbantay sa nagmimistulang beach na ginawan ng 3D na background habang may buhangin sa lupa.Maganda ang pagkakagawa ng mga kaklase ko pero nakakadismaya na pinapayagan nilang mag bathing suit ang mga estudyante para lang magpapicture.Sabi ni Cheska, malaki daw ang kikitain namin dito.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang may makabangga dahil kalat-kalat ang mga estudyanteng namamasyal.Ang ibang estudyante ay tila takot pa na dumikit sakin kaya agad na lumalayo sila.Dahil dun ay nakaramdam ako ng kaunting lungkot pero mabilis ko itong inalis.

Sarado ang pinto ng Principal's Office pero may naririnig akong may nag-uusap sa loob.Tumingin-tingin ako sa paligid at nang mapagmasdan kong walang tao sa hallway ay lumapit ako sa may pinto at dinikit ang aking tenga.

Dalawang boses na pagmamay-ari ng mga babae ang naririnig ko.Hindi ko maiwasang magtaka sa pinag-uusapan nila.Nakarinig ako ng mga boses sa may dulo ng hallway kaya pasimple akong lumayo sa may pinto at kumatok na lang rito.

After 3 times of knocking ay nakangiting pinagbuksan ako ni Maam Villaruel.Isang taon pa lang siyang Principal namin sa school na ito.Nagretiro na kasi ang dati naming principal na lalaki na kung tutuusin ang pagkawala ng dati naming principal ang nagdulot nang matinding epekto sa pag-uugali ng mga estudyante dito.Hindi ko naman sinasabi na hindi magaling magpalakad ang isang babaeng guro pero sa kaso ni Mrs.Villaruel, wala na siyang ibang ginawa kundi magmukmok sa apat na sulok niyang office at magdeliver lang ng speech sa tuwing may program.

Pilit akong ngumiti sa kanya at nahihiyang pumasok.

"Good morning po Maam."

"Naistorbo ba kita Amanda?"
Tanong niya at pinaupo ako sa harap ng office table niya.
Ngumiti ako at umiling.Pasimple kong pinagmasdan ang buong office.Malinis at wala nang iba pang tao na narito.Tumingin ako kay Maam at sa kanyang mga matang natatakpan ng salamin.Napalunok ako.

Agad naman niyang napansin ang pagkagitla ko.

"Ayos ka lang ba iha?Masama ata ang pakiramdam mo."
Tanong niya habang nag-aalalang nakatingin sakin.

Mabilis akong umiling at pinilit na magsalita.

"Hindi naman..po.Ano pong meron? May kailangan ba kayo sakin?"
Tumango siya.

"Meron iha.Gusto ko sanang hanapin mo ang Yearbook ng paaralan noong 2000 sa Library.I need it tomorrow kaya maraming oras pa para makita mo."

"Sige po Maam."
Saad ko at tumango.Tumayo na ako pero hindi pa ako nakakalakad ay naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.Napatingin ako kay Maam Villaruel na ngayon ay seryoso na ang kanyang mukha at may determinasyon akong nakikita sa mga mata niya.

"I want you to tell no one about this."
Napalunok ako sa nakakatakot niyang boses.

"Ye-s Maam.Makakaasa ka."
Saad ko at lumabas na ng office.

Nang makalayo ako sa Administration Building ay saka lang ako huminto at napabuga ng hangin.She is so scary.Kahit noon pa man, hindi ko na talaga maipaliwanag kung anong meron kay Maam Villaruel at nakakaramdam ako ng masamang hangin sa kanya.Hindi lang yun, parang bawat kilos at galaw ko ay alam niya.At kapag nasasali ako sa isang gulo, siya pa ang unang tao na magsasabi kay uncle tungkol dito.Ayoko namang mag-isip ng masama pero kakaiba talaga ang kutob ko sa presensya niya.Dahil imbes na maiyak ako dahil may pakialam ang Principal namin sa isang estudyanteng tulad ko ay mas lalo lang ako nagiging paranoid.

Sana dito na lang si Uncle para may mapagtanungan ako.

Dali-dali akong bumalik sa boot namin at nagpaalam sa aming teacher na may gagawin akong importanteng bagay kaya hindi ako makakabantay.Pumayag naman siya pero dapat bukas ay whole day na akong nakastay-in.

Walang katao-tao sa mga hallway habang naglalakad ako.Nasa ground kasi ang lahat at ngayon ay hindi ko maiwasang tindigan ng balahibo sa batok.Napakatahimik kasi at naghahallucinate na naman ako.Pumasok ako sa Library at napansin kong wala ang nag-iisa naming Librarian.

"Oww..Shit.Faasster..Ahh."

Mabilis pa sa isang segundo na tumakbo ako sa labas.Shit.Ano yun?A-anong nang-yayari?

Hawak-hawak ko ang dibdib ko habang sinubukan ko ulit na pumasok.Lumapit ako sa mga mesa at dito ay mas narinig ko ang mga ungol.

"Kaden please.I want more."
And then it hit me.Wala sa sariling pinuntahan ko ang pinagtataguan nila at nang makita ng aking dalawang mata ang kanilang ginagawa ay nanghina ang tuhod ko.Nabalot ang buong mukha ko ng pagkadismaya.

I want to slap her.Gusto kong suntukin sa Bree dahil sa ginagawa niya.Ano na lang ang mararamdaman ni tito sa nag-iisa niyang anak na babae kung malaman niya to!?

"Amanda."
Siguradong magagalit sa kanya si Aunty,

"Amanda gising! Amanda, pinapatawag ka sa Principal's office."

Bigla akong napatayo at dumilat ng mata.Gulat na gulat akong napatingin sa paligid at kumunot ang aking noo nang mapagtanto na nasa boot ako ng section namin.Ano to?Kani-kanina lang ay nasa Library ako.

"Hoy Amanda!Naririnig mo ba'ko?"
Sigaw ni Mason kaya inirapan ko siya.

"Bakit?"

"Pinapatawag ka sa Principal's Office."
Saad niya at akma nang aalis pero pinigilan ko siya.

"Deba nanggaling na ako dun kanina?Ikaw pa nga ang nagsabi sa akin."
Kunot-noo kong tanong.

Kinabahan naman ako nang tumawa siya.

"Ewan ko sayo.Kararating ko nga lang dito sa school eh."
Saad niya saka lumakad na paalis.

Laglag ang balikat na umupo ako sa aking upuan.Inihilamos ko ang aking palad sa aking mukha.

I'm doomed.Mukhang nakita ko sa isang iglap ang eksaktong mangyayari mamaya.Is this one of my skills?Ang makakita ng mga mangyayari sa hinaharap.#

****
Hello Silent Readers!Sorry kung ngayon lang ako nag-update.Puro kasi overtime ako sa Summer Job ko sa isang restaurant dito samin.Kaya ayun, isa na akong lantang gulay.By the way, please vote ang comment.Lovelots.

The Witch's DaughterOnde as histórias ganham vida. Descobre agora