Chapter 5: Kaden

299 21 6
                                    

Nagising ako na mataas na ang sikat ng araw.Sa pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa kama,dito sa attic.Kung ganun ay panaginip lang pala ang nangyari kanina.Weird dahil pakiramdam ko ay totoong totoo.

Kinuha ko sa side table ang box at napabuntong hininga ako dahil nandoon ang kwentas.Patunay lamang na hindi ko pa ito nagagalaw dahil nasa tamang ayos pa ito.

Agad akong bumangon dahil pasado alas syete na at 8:30 ang simula ng klase ko.Kailangan kong magmadali dahil baka hindi ko maabutan ang pagcheck ng attendance.Dahil kapag nangyari yun ay 'absent' na ang ilalagay ng class adviser namin sa student's record niya.Ganun ang patakaran sa klase kaya ang mga tamad na malalapit lang ang bahay sa school ay napilitan nang pumasok ng maaga.

Gusto ko namang mainis sa sarili ko dahil baka hindi ko na maabutan ang jeep na naghahatid sa mga estudyanteng malalayo ang bahay.Limang minuto lamang akong naligo at nang makababa ako sa kusina ay si Ruru na lang ang naabutan ko.Si Aunty naman ay naghuhugas na ng pinggan.Tumingin siya sa akin ng may pagtataka.

"Ito ang unang beses na nalate ka ng gising.May natira pa diyang fried eggs with bacon.Bilisan mo kumain at sumabay ka na lang samin ni Ruru."
Saad ni Aunty nang tapunan niya ako ng tingin.

Tumango ako at umupo na.Hindi ko na lang pinahalata ang amusement na aking nadarama dahil ito ang unang beses na ihahatid niya ko sa school.Kadalasan kasi sa jeep o si uncle ang naghahatid sakin.Bukod sa tasa ni Ruru ay may isa pang baso ng gatas na nakahain sa mesa.Nagdadalawang isip pa ako kung akin ba iyon at iinumin pero tumango si Ruru na nagsasabing akin nga.

"Good mood si mama ngayon kaya tinimplahan ka niya ng gatas."He whispers at me while giggling like a monkey.Napangiti ako at ininom na ang gatas.

Sampung minuto ang lumipas ay nasa loob na kami ng sasakyan tatlo at papunta sa school.Pasalamat na lang ako na magkatapat lang ang elementary at highschool.Pero kahit ganun ay bawal pumunta sa hindi mo paaralan kung wala namang okasyon.Medyo mahigpit ang seguridad sa school pero hindi naman desiplinado ang mga estudyante.At karamihan sa mga estudyanteng hindi desiplinado ay ako ang pinagtitripan.

Nakarating na kami sa tapat ng paaralan at unang lumabas si Ruru after giving his goodbyes.

"Aunty,thank you po sa paghatid."
I said at bababa na sana ako nang lumingon siya sakin at nagsalita.

"Amanda.."
There's a glint of pity and small guilt in her eyes.Iniwas ko ang aking tingin.It's look like she feel sorry.

"I know the actions of Bree but then I choose to tolerate her.Pasensya na rin kung naging mataray ako before.I'm still feel horrible dahil naniniwala akong isang mangkukulam si Lucia kaya hindi magaan sa loob ko ang tumira ka sa bahay.Pero nang marinig ko ang pag-aaway niyo ni Bree kagabi ay may narealize ako.You've been a good child pero hindi ko iyon napansin."

Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin kaya tumango na lamang ako.

"And by the way,napagsabihan ko na pala siyang i-delete ang video."

Tumango ulit ako.Thank you God.

"Sige po Aunty.Papasok na po ako."
Ngumiti siya sakin saka pinaandar na ang kotse.Agad akong tumawid at nang makita ko ang isa sa mga guard ay huminto ako at napatingin sa wall clock nila.

"Kuya,kanina pa po ba nagbell?"
Tanong ko.

"5 minutes na lang ay magbi-bell na kaya bilisan mo."
Tumango ako at agad na umalis.Malaki ang eskwelahan na pinapasukan ko.May kanya-kanyang building ang bawat curriculum at dahil isa akong senior ay nasa dulo pa ang building namin.Lakad takbo ang ginawa ko habang tinatawid ang napakalaki at malapad na field.Iilan na lamang ang mga estudyanteng nasa labas.

The Witch's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon