Chapter 21: Sonder

140 10 0
                                    

I'm starting to despise myself.No I already hate myself.Ilang araw na ang lumilipas pero hindi pa rin maalis sa utak ko ang insidenteng nangyari sa Japan.Everything is keep repeating in my head.

Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang napakalungkot na boses ni Amber nang sabihin niya sakin na marami ang namatay. The faces of those people...it keeps hunting me every night.

At wala nang iba pang dapat sisihin kundi ako.I'm the one who cast that powerful spell that cause the destruction of the building.Hindi ko dapat sinunod ang sinasabi ng boses na yun.It's her fault.It's my fault.

"Ano ba yan! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"

Agad akong humingi ng patawad sa nabangga kong ale at yumuko.Nakarating ako sa isang bench kaya nagpasya akong tumigil doon.Pinagmasdan ko ang buong bayan. Napakasigla na nito dahil marami na ang nag-iilawang dekorasyon para ipagdiwang ang nalalapit na pasko.

The born day of Jesus...Hindi na rin pala ako nakakasimba simula nang dumating ang mga ganitong bagay sakin.

People are so busy today.Voices of children and teens were ringing in the front yard of many shops and houses.Parents are starting to collect different gifts and foods for the upcoming noche buena.Some couples are sweetly enjoying their moments.And other people just choose to hang out with their friends.

Everything is normal, but deep inside those people were just letting go of their worries and problems for a while.

Nang malapit nang magtakip silim ay pumasya na akong umuwi pero naisip kong daanan muna sina Aunty.Nang makababa ako ng tricycle, patay lahat ng ilaw at walang light sa front porch.Katahimikan ang namamayapa sa buong bahay.Habang papalapit sa gate ay unti-unting tumaas ang presyon sa aking dibdib.Dahan-dahan kong binuksan ang trangkahan.Pagkabukas ko, bigla akong napatakip ng tenga dahil parang may matinis na ugong akong narinig.

Lumingon ako sa likuran ng bahay at parang may naaaninag akong maitim na usok.Kailan pa nagsunog ng patay na dahon sina Aunty sa bakuran?

Habang papalapit ay may narinig akong mga boses na nagbubulungan.Nang sumilip ako ay mabilis kong itinakip ang kamay sa aking bibig.Nanlalaki ang dalawa kong mata sabay tago sa pader.

What the fuck?

Sumilip ulit ako pero kasalukuyan na silang nagbubutones ng kanilang damit.Seryoso kong pinagmasdan si Bree habang pilit niya pa ring hinahalik-halikan si Kuya Dino.

"Ah-eeh. Bree, pwede bang next time na lang? Baka kasi hinahanap na ko sa restaurant eh."
Pulang-pula ang mukha ni Kuya Dino at parang hindi siya makapaniwala sa nangyayari.Tumawa at nagsalita si Bree pero kumunot ang noo ko nang walang boses ang lumalabas sa bibig niya.

"Okay Bree. Yung sahod nga pala ni Mandy pakibagay sa kanya huh."
Pero bakit ganun, naiintindihan siya ni Kuya Dino.Hindi, may mali dito.Kakaiba ang mga kinikilos ni Bree.Si Bree nga ba ito?

Mabilis akong umalis nang mapatingin sa gawi ko ang katauhan ni Bree.Kung sino man siya, sigurado akong alam niyang may nagmamasid sa kanila.Dali-dali akong sumakay sa naghihintay na tricycle at pinaandar na ito. Kinalma ko ang aking sarili at pinilit kong huwag lumingon sa bahay nina Aunty. Dahil nararamdaman kong nakatingin siya ngayon sa papalayong tricycle, ang babae na yun.

Pagkadating ko sa mansyon ay sinalubong ako ng nag-aalalang si Peter.

"Amanda saan ka nanggaling?"
Wika niya.

"Sa bayan, bakit?"

"Kailangan mong sumama sakin. Pinatawag sina mama at Tito Blake para iharap sa mga husgado ng council."
Lalo akong kinabahan sa sumunod niyang sinabi.

The Witch's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon