Chapter 23: To the Eye

66 7 0
                                    

Ayon sa isang librong nabasa ko noon, ang buhay ng mga tao dito sa mundo ay pinapatakbo ng iba't ibang uri ng paniniwala at mga batas  na nabuo sa kasaysayan. Nabuo ang kasaysayan dahil sa mga kwentong nangyari sa nakaraan.

At sa mga kwento na iyon, alin ba ang nagsasaad ng katotohanan? Kanino kwento ang pumapanig sa katarungan? Bakit ang mga bagay na hindi kapani-paniwala ay hindi pa rin mapatunayan?

Isa sa mga madalas kung abangan sa TV5 noon ang sikat na serye na Supernatural. Tungkol ito sa dalawang magkapatid na lalaki na
naging hunter matapos mamatay sa magkaibang taon ang ina at ama nila dahil sa mga masasamang elemento. Dati, habang pinapanood ko ang kwento nila, palagi kong naiitatanong sa aking sarili kung totoo nga ba sila. Ang mga anyong nagtatago sa dilim. Ang mga pigurang nagmamasid sayo mula sa kakahuyan. Mga nilalang na nagpapanggap na tao. Multo. Halimaw. Enkanto. Mangkukulam. Aswang.

Gustong-gusto ko talaga malaman kung may mga nilalang nga ba dito sa mundo na katulad nila. Pero ngayon, alam ko na ang sagot. Napakarami nila. Nabubuhay sila kagaya ng mga karaniwang tao at hindi lamang sila nagtatago sa dilim kundi nakakubli rin ang ilan sa kanila sa liwanag.

Pinagmamasdan ko ang bawat presensyang nakakasalubong ko. Nakatawid na kami sa ilog at kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa lugar kung saan nanggagaling ang maraming tao sa direksyon na iyon.

Mga normal lamang kung titingnan ang mga taong nakakasalubong ko pero bakas sa tindig at mukha nila kung anong mga klaseng nilalang sila.
Napangiti ako bigla dahil sa isang babae na may dalang tatlong magkakamukha na sanggol. Tumatawa ang mga ito ng sabay-sabay at nakakapanggigil ang matambok nilang pisngi.

"Pups."
Saad ni Peter na nasa tabi ko.

"Anak sila ng werewolves."
Ulit niya at naintindihan ko ito.

Nang nagkalapit na kami ay dinampi ko ang aking palad sa isa sa mga sanggol ngunit tumagos lamang ito sa kanila na para akong isang multo. Oo nga pala. Bukod sa hindi nila ako nakikita ay hindi ko rin pala sila mahahawakan.

Kanina bago pa dumaong ang maliit na bangkang sinasakyan namin ay may kinuha si Hemsworth na bagong botelya sa kanyang bulsa at pinainom ito sa akin. Hindi daw magandang makita at makilala ako kaya wala akong nagawa kundi pagmasdan na lamang ang tatlong sanggol habang papalayo sila sa akin.

Habang tumatagal ay napapansin kong kumukonti na lang ang mga taong nakakasalubong namin. Maya-maya ay tumigil kami at sa wakas ay nasa pwesto na kami kung saan mabibilang mo na lamang sa kamay ang mga tao. Ngayon ko lang rin napansin ang mga establisimento na nakatayo sa gilid ng daan. Marahil hindi ko ito napansin dahil sa sobrang dami ng tao kanina. Gawa ang mga pader at poste nito sa bato at iilan lamang ang makikita mong gawa sa matitibay na punongkahoy.

"Anong ginagawa natin dito?"
Tanong ko kay Ember na nanatili lang na nakatayo sa daan. Hindi nila ako sinagot at nanatili silang nagmamasid sa mga gusaling nakapalibot sa amin.
Lumapit si Ember kay Peter saka may ibinulong. Umiling si Peter. May ibinulong din si Torrent at maya-maya pa ay napansin kong may pinagtatalunan sila. Kumunot ang noo ko. Ano ba ang pinag-uusapan nila na hindi ko dapat marinig?

"Peter--"

"Amanda, may kailangan kaming puntahan. Dito ka muna at huwag kang aalis." Saad ni Torrent. Samantala umalis lang si Ember na hindi nagpapaalam. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Torrent at Peter. Bakas sa mukha nila ang takot at, konsensya?

"May nangyari bang masama?"
Tanong ko, gulong-gulo. Lumapit ako pero agad akong napatigil nang umatras sila palayo sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Masama. Masama ang kutob ko sa nangyayari. Umatras ako para umupo sa gilid ng fountain. Pilit akong ngumiti saka kalmado akong nagsalita.

"Sige, naiintindihan ko. Huwag kayong mag-alala, hindi ako aalis." I give them my most assuring smile. Naglakad na sila paalis. But before they could get away from my sight, Torrent turn his head. He mouthed something.

"Sorry."

**

The night is slowly approaching. Napayakap ako sa aking sarili nang dumampi ang malamig na hangin sa aking balat. Wala nang mga tao sa paligid. Hindi ko na rin alam kung ilang oras na akong nakaupo sa pwesto na to.

Nasaan na kaya sila ngayon? Why did they left me without any explanation? I feel frustrated at the moment. Kahit anong gawin kong kalma sa sarili ko, hindi pa rin  mawala ang kaba sa dibdib ko. And this feeling, this type of feeling. Why does it feels like I was betrayed?

Narinig ko ang pagsagatsat ng isang bagay at napalingon ako sa isa sa mga establisimento. Hindi ko napansin na may isa pa palang shop na nakabukas. Lahat kasi ay sarado na bago pa man kami dumating dito kanina. Tumayo ako para tingnan kung may tao pa sa loob. The name of the shop is vibrating on its red neon lights.

'MALEFICUM'

Hindi ko alam kung anong meron sa loob pero parang may humihila sa akin para pumasok dito. Ganito din ang naramdaman ko noong nakita ko ang pintuang pinasukan ko para makarating sa Japan. It is a mysterious force I cannot resist.

Lumapit ako sa pinto.

"ad oculos." I whisper, reading the Latin words engraved in the center part of the door. Bago ko pa man hawakan ang doorknob, nagulat ako nang bumukas ito. Sinilip ko ang loob pero wala man lang tao akong nakikita. I get inside and I immediately stop. What is this place?

Pinag-aralan ko ang mga bagay na nakapalibot sa akin. Tumingin ako sa itaas at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang repleksyon ko at ng mga bagay dito sa ibaba. This place.. this place is full of mirrors. Different kinds of mirrors in different shape and sizes. Hinawakan ko ang pinakamalapit na salamin sa gilid ko. They look ancient. Nilibot ko ang buong lugar at napatigil ako nang makaharap ko ang pinakamagandang salamin na nakita ko simula kanina. I recognized the shape sculpted in the four corners of the mirror. These are magic circles. At sinisimbolo nila ang apat na elemento basi sa itsura at kulay nito. Fire. Water. Air. And earth. But then, there is something in the upper part of the mirror that makes my heart stop. It's the sword sculpted above. Ang sandatang ginamit ko para patayin ang mga halimaw noon sa Japan. Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Walang pagbabago. Mabilis akong tumalikod. Kailangan ko nang umalis sa lugar na ito.

"Amanda.." I gasped. Shit. That voice. Binilisan ko ang paglakad.

"Alam mo ba kung bakit iniwan ka ng mga shapeshifters na kasama mo?" Napatigil ako sa pagtakbo.

"Hindi ako interesado." Madiin kong saad.

"Sinungaling."

"Ano bang kailangan mo sa akin? Nang dahil sa iyo nakapatay ako--"

"Wala kang pinatay na mga inosenteng tao Amanda."
Lumingon ako sa salamin. Isang itim na anino ang bumungad sakin.

"Paano?"

"Hindi ko masasabi sa iyo dahil baka gusto mo munang iligtas ang kaibigan mong tao.." Kumunot ang noo ko. Bigla siyang nawala sa repleksyon at isang imahe ng babae ang lumitaw sa salamin. Umiiyak ito habang  nakatanaw sa isang direksyon. Bahagya akong lumapit para makita ng mabuti ang kaganapan. Nakatingin siya sa loob ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko pero napagtanto kong nasa isang tao lang nakatuon ang paningin niya, kay kuya Dino.

"Banshee.."  Bulong ng boses sa utak ko.#

Short update but the next chapter will be update soon. Ano sa tingin niyo ang dahilan  kung bakit iniwan na lang basta-basta nina Ember si Amanda?

The Witch's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon