Inaksaya lang ni Faustine ang kanyang buhay sa kasamaan. Nakaw dito, patay don. Sugal dito, inom don. Ni hindi nya tinahak ang landas ng kabutihan mula nang mamulat sya sa kadiliman. Hindi sya naniniwala na merong langit at Diyos at hindi sya naniniwalang may impyerno kaya ginusto nyang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais dala ang paniniwalang ito. Isang gabi siya’y inagawan ng buhay at sinalubong sya ng nagliliyab na paligid na may halong sigaw at hinagpis ng mga tao—ang impyerno.