Isang babaeng nagmula sa isa sa mga pinakamayamang pamilya sa bansa ang nasali sa isang blind date. Sa date kaya na ito niya makikilala ang lalaking tunay na magamahal sa kaniya? O isa na namang lalaking isasali siya sa koleksiyon ng mga babae na naloko nito. Paano kung ang lalaking kaniyang nakilala ay isasali lamang siya sa mga koleksiyon nito. Ngunit, ito ay nagbago ng maramdaman niya na ang babaeng ito na ang isinisigaw ng kaniyang puso nang makita niya kung paano siya tunay na mahalin ng dalaga. Handa ba siyang magbago para sa kaniya? Handa rin kaya siyang tanggapin ng dalaga kung malaman nito ng kaniyang pinakatatagong sikreto?