An epistolary. Matagal nang may gusto si Emeric Nereus Pascual sa valedictorian ng ABM strand noong Senior High sila. Nasa kolehiyo na siya pero hindi pa rin nawawala sa isip niya ang imahe ng magandang mukha ng dalagang si Zavannah Shaye Ibañez. Sa sobrang misteryosa kasi nito, nakapagtapos na sila lahat-lahat ng highschool ay hindi manlang siya nagkaroon ng tsansa na kilalanin ito. Pero habang hinihintay ang ate niya sa airport, nakita niya ang pinaka-iingat-ingatang diary ng babaeng ito. Kung saan nakalagay lahat ng sikreto nito.