Ako si Aleli Caparal isang lucid dreamer, sa panaginip ko nakokontrol ang lahat at aware ako sa nangyayari na nasa loob lamang ako nito. Sana ganundin sa tunay kong kinalalagyan. Nangarap maging mabuti at masunuring anak ngunit madalas nasusubok ng malupit na tadhana. Lagi nalang kaming may LQ ni tadhana... 'Black Sheep' sigaw ng tiyahin ko. Napatawa na lang ako dahil simula't sapul iyan ang bansag sa akin. Dahil ba entertainer sa isang bar ang nanay ko? Madalas inihahalintulad sa mga kaedad ko at sasabihan ng wala kang mararating dahil susunod ka lang sa yapak ng iyong ina. Pero lahat ng iyon sinalungat ko at ginawa kong lahat upang maging mabuting tao. Ngunit ilang beses kang susubukin upang mapanatiling ikaw ang bida sa kwento mo? "Ang istoryang naglalaman ng mga panaginip at mga luha," --aleli
9 parts