Chapter 7 : Nothing More, Nothing Less

1 0 0
                                    

'Paano ba masasabing nalulunod na ako? Kapag ba umabot sa leeg ko ang tubig na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Talaga bang katapusan ko na kapag namatay ako dito, dito sa aking panaginip. Pero wala akong ibang maisip na paraan para makatakas. Kahit ako tamad na tamad na mabuhay.Hinaayan kong mapuno ang kwarto ko ng tubig. Malakas pa ang ulan sa labas. May bagyo pa 'ata. Hanggang sa ang tubig ay nasa kisame na. Pinagmasdan ko lamang ang nangyayari dahil 'failed'. As I expected nakakahinga ako sa tubig . Nakakahinga ako sa panaginip ko. Nakakalangoy din ako. Nagpaikot—ikot ako sa loob. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ko na maging kalmado ang sarili sa ilalim ng tubig. Actually, takot ako sa tubig dahil natatandaan kong nahulog na ako minsan sa isang patubig noong pitong taong gulang palang ako. Lumubog ako ngunit may sumagip sa akin bago ako mawalan ng malay. Walang iba kundi si Nana. Si Nana na laging nariyan. Binalot niya ako sa makapal na kumot at hinalikan. Hindi ako natakot dahil back then I was helpless at hahayaan ko lang kung ano man ang mangyari sa akin. Nakita ko pa kung paano si Nana umiyak sa harap ko. Takot siyang mawala ako? Buti pa siya ang tingin sa akin ay importante. Ang gara pati dito sa panaginip ko naaalala ko ang nakaraan.---"Aleli!, Aleli!" narinig kong boses. Unti-unting lumakas at bigla akong hilahin para dalhin sa kasalukuyan. Naimulat ko ang aking mga mata at nasa harap ko na siya. Si Mama Sylvia."Ano ka ba namang bata ka..ang lakas ng ulan sa labas hindi mo manlang sinarado ang bintana?" asik niya sa akin.Amoy ko pa ang sigarilyo niya at ang alak. Nilipat ko ang tingin ko sa may bintana. Malakas nga ang ulan at iyan pala ang naririnig ko. Kumukulog at kumikidlat sa labas. Nakasarado na ito. At tanging lampshade lang ang nakabukas. Nagulat pa ako ng bigla niya itong buksan. Tinakpan ko ang mata ko."Ano ba?" sambit ko."Tumawag ang Tita Olivia mo. Sinaktan mo daw si Christa?" kumunot ang noo ko at tinignan ko siya.Talagang gusto niyang ngayon ito pagusapan. Hindi man lang niya tatanungin kung anong nangyari. Natawa ako. Nakita ko siyang nakaarm folded. Nakataas din ang kilay niya. I was really spitting image of her."Ha! Oo sinampal ko at sinabunutan ko ang mga kasama niya. At si Christa na akala niyang inaagawan ko ng lalaki," mahinahon kong sabi."Bakit mo sila pinatulan? Hindi ba lagi kang sinasabihan ni Mama na iwasan mo ang mga ganyang mga bata. Hindi ko alam kung paano kita mapapalaki ng maayos?" lalo akong natawa sa sinabi niya.Nagstart mag-ngalit ang aking ngipin dahil nais kong pigilan ang anumang lalabas sa bibig ko. Dahil sa pagpigil ko. Hindi ko namalayang umaagos na ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Ngunit sa aking paghinga ay hindi ko na nagawa pang pigilan ang sarili ko."N-Nangyayari sa a-akin ang lahat ng ito ng d-dahil sa iyo. As if your sins written in my face! Walang ta-tatrato sa akin ng mabuti dahil sa-sa i-iyo! It was all your fault!" sigaw ko.Naikuyom ko ang aking mga kamay. Napayuko ako. 'I'm sorry, Nana" bulong ko.Hindi ko siya kayang mapakisamahan ng katulad ng kay Nana.***MAAGA pa ay napagharap-harap kami sa Guidance. Ako laban sa limang estudyanteng pinapanigan ng lahat. Hindi na pinatawag si Mama dahil kapag kasama ko siya parang lalo lang akong nanliliit. Naroon si Tita Olivia na bakas sa kanyang mukha ang pagkagalit sa akin. Nagsimula silang magkwento. Puno ang bawat isa ng pagsang-ayon tila napagusapan na nila paano isasaayos ang kwento sa pagdidiin sa akin. Well, magagaling sila at nasa higher section. Matanda na si Ginang Greta Santillan ang Values Teacher at ang aming Guidance Counselor kaya ibabase lang naman niya ito sa kanyang judgement. Nang matapos ang statement ng lima, kanya naman akong binalingan. Inayos niya ang kanyang salamin."Miss Caparal, diba last time nandito ka din dahil din sa karahasan. And this time again, you again. Kamusta ka sa loob ng bahay ninyo? How did your parents discipline you?" paguusisa niya.Tumawa si Tita Olivia at si Christa. At di na napigilan ni Tita Olivia na magsalita."Ms. Santillan paano nga naman siya mapapalaki ng maayos kung hindi niya kilala ang tatay niya at ang nanay niya ay --- " sabi ni Tita Olivia. Paano siya nakakapagsalita ng ganiyan sa kanyang sariling kapatid. Na ibaba ang tingin sa iba para umangat at magmukhang malinis. Tsk. Alam ko na ang magiging solusyon nila at ayoko ng umasang makokontrol ko ang sitwasyon.Nagsalita si Maam ngunit hindi na ito pumasok sa isip ko. Alam ko lang ay tagilid na ako sa kanila. Anong laban ko diba? May magbabago pa ba kung sabihin kong sila ang nauna at lumaban lang ako? I bet walang magagawa iyon. Yumuko ako. Isang magkakasunod na katok ang pumukaw sa aming atensyon.Pinagbuksan iyon ni Ms. Santillan. At ang taong niluwa 'nun ay walang iba kundi si Lance Santibanez. Ano ang ginagawa ng mokong na iyan dito? Dagdag audience? May ibinulong ito kay Ms. Santillan na kinatango nalang ng matanda. Yumuko akong muli.Ilang saglit pa ay bumalik na si Ms. Santillan sa harap namin."I'm sorry, Miss Caparal," anas niya na may tono ng pagkahiya. Inangat ko ang aking mukha dahil sa labis na pagtataka."Maa'm!" narinig kong sabi ng mga babae 'don. Nagchorus pa nga sila. Hindi ko napigilang di lingunin ang mukha ng aking mabait na tiyahin. Hindi mailarawan ang mukha nito."Si Miss Caparal ay inosente at kayong lima ang on-detention for 3 hours. May ibang witness na nagbigay ng statement about what had happen yesterday," mahinahon niyang paliwanag sa amin.Binalingan niya ang Tita ko. "And to you Mrs. Fuentebella, anak mo ang nagpasimula ng gulo. Si Miss Caparal ay pamangkin mo hindi ba?".May isang taong tumayo para sa akin? Bakit naman niya gagawin iyon? Pero iyon naman talaga ang nangyari. Nothing more, Nothing Less!-Itutuloy..

Aleli: When a Villainess is Born(unedited)Where stories live. Discover now