Chapter 9 : Sponsorship

1 0 0
                                    

Nang gabing iyon. Nagtalo na naman kami ni Mama. Manghingi daw ako ng tawad sa kapatid niya. At pinakita ni Tita Olivia ang mukha ni Christa. Naawa pa talaga siya sa pagmumukha ng pinsan ko."Wala ka na talagang gagawing matino. Ini-spoiled ka kasi ni Mama. Ayaw ka niyang ibigay sa akin that time!" sabi niya. Naikuyom ko ang kamay ko dahil heto na naman siya. Pinipilit niya akong magalit sa kanya at magsalita ng masakit."Kung nagstay ako sa poder mo may mababago ba? Malamang naglayas nalang ako kaysa magtagal sa iyo. S-Sa tuwing lasing ka sasaktan mo ako. S-Sa tuwing hirap ka sa buhay isisisi mo sa ama ko. Hindi mo nga masabi kung sino!" sagot ko sa kanya.Matapos kong masabi iyon ay isang lumalagapak na sampal ang natamo ko mula sa kanya. Wala na si Nana kaya magagawa na niya ang nais niya."Sabihin mo sa akin iyan kapag kaya mo ng mabuhay ng hindi kita tinutulungan. Sa tingin mo may kukupkop sa iyo?" sabi niya. Tumahimik ako dahil tama naman siya hindi ako mabubuhay ng walang susuporta sa akin.Hindi siya makikinig sa akin. Kapag mali ako, mali ako. Kay Nana ang bahay na ito at lahat ng naitabi niya sa bangko. Kailangan ko ang legal guardian ko pero paano kung umalis na lang ako at mamasukan ng trabaho. Kikita ng pera at bubuhayin ko ang sarili ko. Wala akong pakielam sa mana na iniwan ni Nana. Soon ang mga anak niya ay gagawa ng paraan para mapaalis kami dito.Napatawa ako ng mabalik ako sa kasalukuyan. Third Year palang ako. 16-year old at anong trabaho ang tatanggap sa akin. Nagsimula akong makaisip ng mga posibilidad na maaari kong pasukang trabaho. Na maaari narin akong duon na tumira. Inikot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto ko at kinuha ko ang sulat na naiwan ni Nana.Niyakap ko ito ng sobrang higpit. Hanggang hindi ko na napigilan ang aking mga luhang umagos. Takot akong magalit sa akin si Nana dahil nasagot ko si Mama. Aalis na lang ako dito kaysa masagot ko siya ng grabe at hindi ko na kayaning magawa ang huling kahilingan ni Nana. Masama akong anak? Oo, masama dahil nasagot ko siya at kinasusuklaman ko siya.***HINDI ko na pinalagpas ang sandali. Ng maging bakante ang susunod naming subject ay agad 'kong pinuntahan si Evie. Nabigla siya ng makita niya ang mukha ko. Hinila niya ako sa isang gilid malapit sa stage. May room kasi roon room sa ilalim para lang sa mga nagaaral ng ROTC."Anong nangyari di'yan sa mukha mo?" agad niyang tanong."Hindi na importante. Ang kailangan ko ay pagkakakitaan. Wala na si Nana at si Mama ang kasama ko sa bahay ngayon," paliwanag ko ng hindi siya tinititigan."Frennyy! Mamayang hapon puntahan natin ang Laundry Shop ng pinsan ko. 'Don pwede ka 'don or sa bahay ka nalang tumuloy!" suhesyon ni Evie."Sabi mo iyan," sabi ko bago ko siya iwan sa room na iyon. May last subject pa ako bago ang lunch break. Sa aking pagbalik ay nakasalubong ko ang isa sa mga kaibigan ni Christa.Siya na mismo ang umiwas sa akin. Siya kasi ang nabugbog ko last time. Hanggang ngayon may bakas parin ng pasa sa mukha niya.Sa 'di kalayuan ay namataan ko ang ilang grupo ng mga naka-uniporme ng pang-basketball. Naroon si Lance? Hindi ko alam at wala akong pakielam dahil 'yung kahapon ay tapos na. Binilisan ko ang aking paglalakad pabalik sa aming room.Sa aking pagpasok ay may nakaharang sa pinto namin na mga estudyante. Nakahinga ako ng maluwag dahil ibig sabihin wala pa ang next teacher namin. Ngunit, nagulat ako ng naroon na ang aming Teacher. 'Non ko lang napansin ang mga estudyante sa bukana ng room namin ay hindi taga-roon.Pagpasok ko palang ay agad akong pinukol nila ng tingin. Kasabay 'non ay ang teacher namin na may kakaibang ngiti sa kanyang labi."Miss Caparal, naglilista na sila ng mga a-attend sa Cotillion at may naglista na sa iyo. May alam ka ba dito?" sabi ng aming Teacher."Wala po. Hindi po ako sasali, Maam," todo iling ko sa aking narinig."Bayad na ito. May nagsponsor na sa susuutin mo," sabi niyang muli. At tumingin siya sa buong klase."Class, once na sumali kayo sa Cotillion kailangan may iisang yari lang ng gown ang gagamitin at after 3days may practice na sa gym. Sa iyo naman Miss Caparal," nilipat niya sa akin ang tingin."Pumunta ka sa Room ni Ms Castaneda para iverify kung sino ang nagsponsor sa iyo para marefund ang payment niya sa gown mo," mahinahon niyang sabi.Naupo ako. At narinig ko na naman ang mga tsismosa kong kakaklase sa isang gilid."Wow ang swerte naman niya?""Sino kaya ang nagsponsor?""Siguro may karelasyon dito iyan?"Binalewala ko nalang ang kanilang sinasabi dahil wala naman akong kilala dito maliban kay Novie, Christa at --- kay Lance. Kilala ko na ang nagsponsor sa akin. Hindi ko na kailangan pang sadyain si Ms Castaneda. Si Lance lamang dahil siya lang naman ang nagnanais na makapareha ako sa Prom Night.***MATAPOS ang aming klase ay tinungo ko na ang Library. Kailangan kong mag-review at fill-up-an ang Bio-Data kapag nagapply ako sa Laundry Shop ng pinsan ni Evie mamaya.Kasalukuyan kong pini-fill-up-an ang Bio-Data ng may biglang tumabi sa akin. Sa sobrang pagkagulat ay hindi ko na agad na itago ang papel. Si Lance."Are you planning to quit school? Magtatrabaho ka?" sunod-sunod niyang tanong.Bahagya akong lumayo sa kanya dahil nasasamyo ko ang pabango niya at hininga."Ano naman ang pakielam mo?" sabi ko."Eh bakit may Bio-Data? Need mo ba ng parttime?" sabi niya."I need work to support my studies. Ayoko ng umasa sa Mama ko kasi may maliit pa akong kapatid," sabi ko."Then work for me," ang salita niyang umagaw sa aking atensyon. Para akong desperada para siya ay biglang kong titigan."How?" maikli kong sagot pero bahala na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aleli: When a Villainess is Born(unedited)Where stories live. Discover now