Chapter 3 : Blackmail

1 0 0
                                    

Nagising ako sa gitna ng kabukiran. Napakaganda ng panahon--- asul ang kalangitan at presko ang hanging dumadampi sa aking balat. Muli akong pumikit dahil may maganda akong panaginip ngunit ilang saglit pa ang hanging kanina ay presko ay napalitan ng malalakas na malamig na hampas. Ilang sigaw ang aking narinig buhat sa 'di kalayuan. Dumilat ako dahil may sumisigaw sa aking pangalan. Sa aking pagdilat ay nakatayo na ako at sa kalagitnaan parin ng kabukiran ngunit ang dating asul na kalangitan ay nagiging itim. Dumadagundong na ang kulog at may matatalim na kidlat. Ang buhawi na lumalakas at papalapit sa aking kinaroroonan.'Akala ko ba ay may maganda na akong panaginip ngunit wala parin pala' napabuntong hininga ako. Hindi na ako nanatatakot dahil anytime magigising ako. Pinikit ko ang aking mga mata dahil hindi narin ako makatatakbo kung saan. Ang buhawing sobrang laki at para lang akong isang langgam."A-Aleli! A-Leli!" sigaw ni Evie. Nagising ako dahil sa nakakainis niyang boses."Hmmm.. Bakit ba?" unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Nakatulog ako pala ako habang may dinidiscuss ang teacher namin sa Chemistry..kaya pala may bagyo akong naencounter sa panaginip ko."Kulang na kulang ka na naman sa tulog noh.. kailan ba aalis ang mama mo? na mimiss ko na ang kaibigan ko," panunukso niya sa akin. Inirapan ko siya dahil ako parin naman ang cold na bestfriend niya.***Nauna na si Evie sa akin lumabas ng campus. May date daw sila ng playboy niyang boyfriend. Huling subject namin ay P.E kaya nakajogging pants ako ngayon. Napadaan ako sa gym ng school. Gustong-gusto ko dito dahil pakiramdam ko walang makakakita sa akin dito at nakakatulog ako ng payapa. Pumasok ako at tinungo ang pinakamataas na hanay ng mga upuan. Naupo ako saglit.'Ang tahimik at heto na naman ako, inaantok' sabi ko sa aking sarili. Napahiga ako dahil maaga pa naman para umuwi.Ayokong umuwi dahil tiyak makikita ko lang kung paano nahihirapan si Nana ngayon. Kasalanan naman niya pinamihasa niya ang anak niya.Pipikit na ako ng marinig ko na naman ang ingay ng bola. Basketball gym ito kaya natural mayroong maririnig na naglalaro ng bola. Pinikit ko na ng diretso ang aking mga mata. Wala naman akong pakielam sa mga naroon. Ilang saglit pa ay may tumawag na sa panglan ko."A-Aleli...!" sigaw nito. Sino nanaman ba itong kontrabida sa pagsisiesta ko? Napagod ako sa P.E namin paano ba naman pinatakbo kami sa oval. Hindi ko nalang pinansin ang tumatawag dahil wala akong pakielam.Muli ulit itong tumawag pero lalo akong nagpanggap na walang naririnig. Hanggang sa ang tumatawag ay mas malapit na, mas klaro para nga lang itong nasa aking harapan. Naramdaman ko kasi ang mainit na hininga nito. Kilala ko ang boses na iyon kaya agad akong dumilat at tumayo. Sa aking pagbalikwas nagulat pa ako na parang bumangga ako sa isang malambot na bagay."Aray? A-Awww! Ang sakit!" naibulalas niya. Nuon lang naging maliwanag sa akin ang lahat. Si Lance ay dumudugo ang ilong. Dali-dali kong kinuha ang aking panyo at itinapal sa kanyang dumudugong ilong.Hindi ko na magawa pang manghingi ng sorry dahil kasalanan naman niya, dahil istorbo siya sa pagtulog ko. Umupo siya at tumingala. Ako naman ay natigilan at pinagmasdan na lamang siya. Ang tangkad talaga ng lalaking ito. Sa huli, bumuntong hininga ako at hawak ang aking noo. Ganyan pala ka tigas talaga ang ulo ko."Tara sa clinic? Baka 'dina tumigil ang pagdurugo niyan," pagooffer ko."No need. Unti-unti ng nawawala ang kirot at feeling ko hindi naman nabali ang matangos kong ilong," sabi nito. Ang presko talaga nito. Kaya kinuha ko ang aking bag. Akma na akong aalis ng hilahin niya ang bag ko."Aalis kana pagkatapos mo akong saktan?" sabi nito na parang nagmamakaawa.Umismid ako sa kanya, "Huh.. ikaw ang may kasalanan. Kung 'di ka pumunta dito hindi ka masasaktan"."Tinawag kita pero may pagkabingi ka pala? Gusto ko lang naman ulitin ang offer ko sa iyo para sa Prom Night," sabi nito habang nakatukop parin ang ilong nito ng hawak niyang panyo."Istorbo..uulitin ko din sa iyo ang sagot ko kahapon. AYAW! Pwede ba bitawan mo na ako," sabi ko dahil yung isang kamay niya nakahawak parin sa aking bag."Sasabihin ko sa principal na may isang Third Year Student na sumuntok sa akin. Kaya dumugo ang ilong ko. Mamili ka detention, suspended or ipadrop-out kita," may pagyayabang sa tono niya. Kaya humarap ako sa kanya. I don't care sa tangkad niya hindi ako natatakot."Desperado ka na? Bakit ba ako? Maraming babaeng nagkakandarapa na makapareha mo.." asik ko sa lalaking nakuha pang ubusin ang pasensya ko."I like you. Matagal na kitang gusto. Masama bang kausapin ka at maisayaw ka sa Prom?" seryoso niyang sabi. Tumayo siya at tinanggal ang panyo na puro dugo. Umaagos parin ang dugo kaya natakot na ako. Okay lang sa akin ang i-drop-out huwag lang may mangyari sa lalaking ito."Tara na sa clinic," wala ako sa sariling hinawakan ko ang kanyang kamay at hilahin siya papuntang clinic. Saka na kami magusap about sa Prom na iyan. What is important ay ang malamang okay siya.Ilang saglit pa ay lumabas na ang nurse na tumingin kay Lance. Tumigil na rin sa pagdugo at mukhang okay na rin ito. Ngumiti na nga ito eh.Tiyak bukas ako na ang ibubully ng mga may gusto sa lalaking ito. Maraming nakakita sa paghawak ko sa kanyang kamay at paghila sa loob ng clinic. Bukas na bukas paguusapan ako ng buong campus.Hindi ko na siya hinintay na makalabas dahil tumakbo na ako pauwi. Bukas na kami magusap ng lalaking iyon sa punishment ko. Habang papalapit ako sa aming bahay. Naroon ang takot kong baka bumalik na siya ulit. Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Nana. Hinanap agad ng mata ko si Rowan..nasa crib ito at mahimbing ang tulog."Halika at may mga sandwich akong ginawa. Anong gusto mo? Coffee or milk?" sabi ni Nana."Kahit ano lang po ako. Kamusta po kayo ni R-Rowan?""Mabait na bata hindi iyakin," maikli niyang sagot.Dapat ba akong magalala sa nangyayari? Saka kailangan ko bang humanap ng partime dahil sa gatas ni Rowan. O maghinto nalang ako dahil hindi na kakasya ang pensyon ni Nana kapag tinuloy ko ang highschool.Mapait akong ngumiti kay Nana. "Wala po pala akong gana kumain. Aakyat na po ako"."A-Aleli!" sambit niya pero hindi na ako lumingon pa.-------Itutuloy-------

Aleli: When a Villainess is Born(unedited)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang