Chapter 6 : A Whisper

1 0 0
                                    


"Al? Aleli! I-Ikaw nga. F-Frennyyy s-saglit!!!!" narinig kong tawag ni Evie.

Pero wala ako sa mood para makipag-usap. Binigyan ako ng time na makahabol sa mga aralin dahil ilang weeks nalang ay periodical test na. Nagkulong ako sa library dahil alam kong hindi naman ako makakapag-focus. Ngunit lalo lang akong nakaramdam ng pagkainis ng makita ko kung sino ang umupo sa aking tabi. Pero hindi ko nalang pinahalata at tumayo ako para lumipat sa ibang lugar.Ngunit hindi sumuko si Lance sa pang-aasar sa akin. Sumunod siya. Umupo ulit siya sa aking tabi. Dumukdok ako dahil hindi ko na kayang matagalang presensya niya."A-Ano bang kailangan mo?" mahina kong sabi."Aayain sana kita sa gym. Basketball tayo?" sagot niya."H-Hindi ako marunong maglaro. Saka wala ka bang makakasama?" at nauwi na naman sa tanong na 'Bakit ba kasi ako?'Para lang tumigil siya ay tumango ako at nangakong sasamahan ko siya mamaya sa gym. Makaraan ang ilang sandali ay naramdaman ko na siyang umalis saka ko pa lamang inangat ang aking ulo para maituloy ang aking pag-rereview.Sa wakas wala na rin ang lalaking iyon.***Nakita ko siyang nakahiga sa gitna ng court. Suot ang uniporme nila. Matangkad siya.Lumapit ako ng bahagya."Huy! Ano ba talagang kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya. Pero inismiran lang niya ako."Tulungan mo akong makabangon dito?" sagot niyang taliwas sa aking tanong."Bakit ko naman iyon gagawin?" sabi ko sa kanya.'Ni sa hinagap ay ayaw kong ma-involved kung kaninoman. Tumalikod ako. At muli ko siyang pinagmasdan sa gilid ng aking mga mata. Nanatili siya roon at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Pero paano ko na nga naman malalaman kung 'di ko siya tutulungan na tumayo. I offer my hand pero halip na iaangat ang sarili ay hinila niya ako. 'Gasino naman kasi ang lakas ko sa kanya. Bumagsak ako sa ibabaw niya."Sh*t," asik ko. Dali-dali akong tumayo at tumalikod."Kung wala kang importanteng sasabihin, aalis na ako! Isa pa hindi ako tulad ng mga babae dito campus. Ibahin mo ako sa kanila..."sabi ko.Siguro naman hindi na niya ako iinisin at susundan. Hindi ko na siya nilingon at nagstart na akong lumakad palayo.Gusto kong magpapadyak sa inis dahil ginagawa niya 'kong ta*ga. Bakit kasi pumunta pa ako dito sa gym. Sa 'di kalayuan nakita ko ang isang grupo ng mga babaeng papalapit sa akin. Uwian na kaya wala ng masyadong tao maliban sa amin. Mukhang may hinihintay sila at ayoko namang pagtinginan kapag dumaan ako. Ganyan ako ka insecure sa sarili ko. Kung kaya umiwas ako ng direksyon. Ngunit ang akala kong walang mga pakielam na babae ay ako pala ang puntirya.Pinalibutan nila ako. Isa, dalawa, tatlo at pangapat na babaeng may tinatawagan."Where are you? Nandito na kami," narinig ko pang sabi niya.Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanila. Mukhang alam ko na ang dahilan ng mga ito. 'Yung bang mokong na 'yon?' sabi ko sa aking sarili."Hoy! Kalat na kalat dito sa campus na nilala*di mo si Lance!" sabi ng babaeng nakapony-tail. Pinakatitigan ko siya ng maigi. At tumawa?"Kung iniisip ninyo na may gusto ako sa lalaking iyon. Nagkakamali kayo dahil hind---" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla akong sinampal ng isa nilang kasama yung ang lipstick ay black. At nangangapal ang eyeliner nito. Kaya binaba ko ang aking backpack. At tinulak ko ang babaeng sumampal sa akin. Sabay sampal sa kanya at tadyak. Nakita ko ang takot sa kanila sa ginawa ko. At feeling ko yung inis ko sa lalaking iyon ay mairerelease ko sa mga babaeng ito. Sila ang naghanap ng ganitong gulo. Hindi ako katulad ng ibang estudyanteng takot na lumaban. Buong buhay ko nakikipaglaban ako dahil hindi ako matalino, maganda o may pera. Nakakalungkot pero iyon ang katotohanan. Ang mundo ay hindi makatarungan.Bumagsak ang babae at unti-unti silang nagsitakbuhan. Hahabulin ko sana sila ngunit napahinto ako ng makita ko si Christa. Ang pinsan kong matalino at darling ng pamilya. Napaismid ako at inayos ang damit ko. Dinampot ko ang aking bag."Wala ka talagang pinagkaiba sa nanay mo—basagulera at mahilig sa lala—" hindi na niya ito na ituloy dahil dumapo na ang aking kamay sa kanyang magandang mukha."Oooppps I'm sorry sabi mo nga basagulera ako. Biglang gumalaw ang kamay ko," sabi ko ng may pang-aasar. Tumalikod ako ngunit hinila niya ang buhok ko. Nagsimula kaming magsabunutan at magkalmutan. Rage consumed me! Not until someone calls me. Para kong narinig si Nana ng oras na iyon.'Aleli' kaya nawalan ng pwersa ang mga kamay ko. Hinayaan kong sampalin niya 'ko at maitulak. Bumagsak ako at biglang may mga kamay na pilit akong itinayo. Ng napangsino kong sino ito ay pilit kong inalis ang kanyang kamay sa akin."Aleli!," sabi ni Lance. Nilingon ko si Christa at namumula sa kanyang nasasaksihan. I know why she wanted a fight? Ngumiti ako dahil sino nga ang lalaking ito? A principal's baby boy? At ang lalaking pinipilahan ng mga babae dito."La-Lance! Kilala mo ang babaeng iyan?" sigaw ni Christa.Nilingon ko si Lance at nakatingin parin siya sa akin. Tila hinihintay niya ang anumang sasabihin ko."Uuwi na ako. Paki-ligpit ang mga babaeng naghahabol sa iyo. Nagkalat sila na parang mga basura!" asik ko.Inayos ko ang buhok ko. Napangiwi ako dahil mahapdi ang mukha ko. Siguro, dahil sa mga kalmot at sampal niya. At ang labi kong dumudugo pinunasan ko.Nang gabing iyon ay naupo ako sa may harap ng bintana. Kung saan napagmamasdan ko ang mga bituin. Ilang araw na akong hindi nanaginip. Siguro hindi ko naman ito kailangan dahil ang kasalukuyan kong kinalalagyan ay masalimuot na at distorted pa.-Itutuloy

Aleli: When a Villainess is Born(unedited)Where stories live. Discover now