Nang mag-apply si Ems sa Ricafuerte Group of Companies ay hindi nya inaasahang matatanggap sya roon. Sa isang tulad nyang bagong graduate, that was more than a surprise. Pero ang higit nyang ikinagulat ay nang malaman niyang hindi lang isang simpleng secretary ang magiging trabaho niya roon. Magiging personal assistant mismo sya ng president ng kumpanya-Anton Ricafuerte! Kaya lang may rule ito sa trabaho: Dont fall in love with the boss. Makakaya kaya niyang sundin ang rule na iyon gayong matitigan lang siya ng abuhing mga mata nito ay nawawala na sya sa sarili?