Chapter Five

1 1 0
                                    

Dumaan ang mga oras. Kinausap si Ems ni Anton nang bandang hapon na, tila ba isa iyong activity na naalala lang nitong gawin bago ito umuwi.

Bahagya nitong nasaling ang kanyang pride. Nang pumasok siya sa opisina nito ay medyo nagsisintir sya kaya hindi sya gaanong kinakabahan. Kung mayroon man syang nararamdamang munting niyerbos, iyon ay dahil sa insidenteng nangyari nang umagang iyon nang magtungo si Jiggy.

Iminosyon nitong maupo sya sa isa sa mga silyang nasa harap ng desk nito. Pagkatapos ay tumayo ito.

Noon sya kinabahan. Matangkad pala ito. She had a picture a man na iinot-inut nang kumilos. She had imagined him sitting on his chair for the whole day nang hindi man lang tumatayo kahit isang segundo. Simula pa kahapon ay hindi pa niya itong nakita na lumabas man lang ng opisinang iyon.

Ngunit nang kumilos ito, pumasok sa isip nya ang isang diskrisyon ng bidang lalaki sa mga nobelang nababasa nya— a leaping tiger. He moved fluidly. And he was athletically built too. Kahit napakapormal ng suot nito, nagawa nitong kumbinsihin ang mga mata nito na maskulado ito—malapad ang mga balikat.

Nang iangat nito ang mga mata sa mukha nito, nadiskubre nya na nagsasalita na pala ito. Noon lang tila humabol ang kanyang utak.

He was welcoming her to his company, and to her work as the primary cog that would make the machinery work. "Ikaw ang pangunahing screw na magbibigay ng mga posibilidad sa lahat ng mga balakin ko. Ikaw ang magiging langis na magpapabilis sa pag-e-exscute ng mga desisyon ko. You will be my voice in this company to my common employees. Do you understand?"

Kalmado syang tumango. "Yes, Sir."

"And I think you're up to it", anito, his gray eyes boring on her. "That's why i chose you".

Kapag nakatutok ang mga matang iyon sa kanya, she felt she could just say 'yes' to anything that he would say. "Yes, Sir".

"May boyfriend ka na ba, Ems?"

Napakunot-noo sya. "None, Sir" Bakit nito iyon itinatanong? Importante ba iyon sa trabaho?

Ngumiti ito. And his smile rivaled that of his brother. "Good. Hindi mo pa ako iiwan".

Tumalikod ito. Napasunod ang tingin niya rito habang naglalakad ito pabalik sa swivel chair nito. Naupo ito roon.

Nang bumalik ang mga mata nito sa kanya, wala na ang mga ngiti sa mga labi nito. "I think alam mo na rin na hindi ako nagpapatawag ng 'Sir' kay Ethel, so kailangan sanayin mo na rin ang sarili mong tawagin akong 'Anton'. And I dont need a robot. Huwag yes sir ng yes sir. Kung may katwiran ka, kung may protesta ka, kung may opinion ka,I welcome it. And next time, kailangan ko ng kahit anong form of warning kapag dumating si Jiggy dito sa office, even when you can't stop him outside the door".

Sinasabi ko na nga ba eh!

"Yes, Si—Anton".

"You also don't have to worry about my ..... very personal calls. Tinatanggap ko lang ang mga iyon sa private line ko."

Nauunawaan niya agad base sa tono nito na ibig sabihin niyon. Marahil ay ang girlfriend nito ang tinutukoy. Or more likely, His girlfriends.

Tumango sya.  "Okay".

"You look like a person with a good head on your shoulders, Ems"

"Thank you, Anton". alerto nyang pakli. Alam na nya iyon. Sanay na sya sa papuring iyon.

" Please dont fall in love with me".

Napatanga sya. "Ha?"

Parang hudyat iyon para tumawa ito. And when he did, it brought pleasure to her ears. He had a very rich laugh. Napakasarap pakinggan. Hindi nya gugustuhing sabayan ang tawang iyon sa pangambang baka hindi nya iyon marinig.

"That was a joke. You took it well". anito pagkatapos nitong tumawa.

Hindi nya napigil ang pagngiwi. If it was a joke, then she was dead.

Tumingin ito sa suot nitong relo.  "I wont keep you long, Ems. You have enough time para makapaghanda sa pag-uwi".

She knew he was dismissing her. Tumayo na sya. "Thank you, Anton. Good afternoon".

Bahagya syang tumango bago lumabas. Busy na agad ito sa mga dokumentong nasa ibabaw ng desk nito bago pa man sya makatalikod.

Paano ka ba naman mai-inlove sa ganitong klaseng lalaki?  naisip nya habang isinasara ang pinto.

Sabay pa sila ni Ethel na nag-ayos ng kanilang mga desks. Isinukbit na nya sa balikat ang shouldef bag nang may sobre sa kanya.

"Your clothing allowance. Ini-arrange ni Anton na matanggap mo ito in advance".

Gulat siyang napatanga dito.

Nginitian sya nito. "Buy clothes in neutral colors muna. Para madaling bagayan ng mga accessories. And by the way, thats two months in advance, Use it well". Pagkatapos ay nauna na itong umalis dahil hinihintay na daw sya ng fiance nito sa ibaba.

Sinilip nya ang laman ng sobre. It was worth her salary for a whole month.

Inlove na ata sya sa boss nya.

Agad nyang tinawagan si Alice sa opisina nito para magpasama dito sa pamimili ng mga damit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My lovely bossWhere stories live. Discover now