"Ito ang mga katagang kinikimkim ng kaisipan na hindi mabigkas ng mga labi. Mga bagay na gumugulo sa damdaming hindi piniling maghanap ng karamay, bagkus ay namnamin ang iba't-ibang yugto at aspeto ng buhay. Mangyaring isapuso mo ang tulang ito na binuo ng buong puso. Isiping may liwanag na yayakap sa atin matapos ang lamig na hatid ng dilim." Narito ang serye ng mga tulang ibig na humaplos sa mga pusong hindi nawawalan ng pag-asa na magpatuloy sa landas ng buhay sa kabila man ng mga balakid na binibigay ng mundong ibabaw. Isa itong tanda na hindi ka nag-iisa sa laban na ito dahil may mga tulad mo na nakararanas ng ganitong suliranin sa buhay. Alam kong tulad ng may akda nito, madalas kang nagmumuni-muni upang kahit papaano ay mabigyang lutas ang gusot na nagmamarka sa iyong buhay. Nawa ay magpatuloy ka at huwag mawalan ng dedikasyon sa pagpapakita ng iyong katatagan. **** Date Published: 11-04-23
9 parts