☽ | Kulungan at Kasarinlan

16 1 0
                                    

☽ | Kulungan at Kasarinlan

Lumalangoy sa mga luha ang papel na hawak
Lumiliit na ang lugar na dati ay malawak
Binibigkas sa harap ng nakasilip na mga mata
Nagmamarka sa katawan ang paghampas ng kaba

Nauutal sa mapangkutyang katahimikan
Inuusig kung hanggang saan nga ba ang kaalaman
Kahinaan ang sumisiil sa boses na sumisigaw
Walang tinig- puro malalim na paghinga ang nangingibabaw

Binubulag ng mga maling layunin at hinuha
Nabusalan ng mga salitang nabuhol ng luha
Nakasandal sa inagaw na pahinga
Kinakapa ang lubid ng paglaya

Umaasa sa pag-angat
Naniniwala sa mga alamat
Kahit na sa palagay ng lahat ay mahina
Pasan pa rin ang librong makapal ang bawat pahina

006 |

Mga Pahina ng Pagmumuni-muniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon