☽ | Guni-guni sa Mga Hiram na Sandali

10 1 0
                                    

☽ | Guni-guni sa Mga Hiram na Sandali

Naubos na ang oras na dapat ay pahinga
Ginugugol sa pagbabalik-tanaw
Nilalaan sa mga bagay na dati ay mahalaga
Bumabalik sa dating ako at ikaw

Naalala pa ang pag-ukit ng ngiti sa labi
Ang pagtudla ng mga nais dalhin na sandali
Kung paano kita minasdan
Kung paano kita hinawakan

Kung paano kita dinala sa mga lugar na naisin
Kung paano ako nahibang sa mga awitin
Kung paano naging malabo ang tinatahak na landas
Kung paano mo ako iniwang nalalagas

Hindi ko batid na doon hahantong ang pagpapaubaya
Kahit alam ko na ang kapalit ng aking pagtaya
Nabuhay ako sa mumunting pag-asa na hatid ng pagsinta
Sa mga guni-guni na hatid ng dating ligaya

Ngayon ay sa guni-guni na lang din aasa
Na muli mo akong mamasdan tulad ng nakagawian
Muli kang babalik upang ang ulan ay tumila
Muling magbabalik ang mumunting pag-asa

Ngayon ay sa guni-guni na lang din kakapit
Doon ay aawitan ka upang lumapit
Mangyayari ang pagaakala sa patay na akala
Babalikan sa landas kung saan ako nalagas

005 |

Mga Pahina ng Pagmumuni-muniWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu