☽ | Konteksto

9 1 0
                                    

☽ | Konteksto

Wari'y hibang na nalulunod
Sa alaala at kasalukuyan ay nagpapatianod
Ang sunod-sunod na talata ng aking kwento
'Di inakalang dinagdag ang pangalan mo

Ang bawat tuldok ng pangungusap
Nilalarawan na sa piling mo'y nasa alapaap
Mga paru-paro na nagising sa aking sikmura
Lumilipad patungo sa aking mabubulaklak na salita

Sadyang kay palad ng bawat kabanata
Ikaw ay aking patuloy na ilalathala
Ikaw ang konteksto ng aking mga ibig
Ang iyong ligaya ang tanging hilig

004 |

Mga Pahina ng Pagmumuni-muniWhere stories live. Discover now