Nicholson was old-fashioned and loved to dig his heels in when it comes to the 'rules and norms'. He believes in doing things 'the right way' and in preserving their sanctity. Not that he's sanctimonious, but he thinks it's better to do what you should and do it by the book than regret your choices and actions later on. Naniniwala syang may mabigat na dahilan kung bakit may mga batas, code of conduct, ethical standards, at kung anu-ano pa na ibinibigay sa mga tao para sundin. Para 'yon sa kaligtasan at katahimikan ng pamumuhay ng lahat. Pero mula nang makilala nya si Sophie, pakiramdam nya wala na itong ginawa kundi guluhin at baguhin ang mga nakasanayan na nyang paniniwala at gawi. Maliban sa malaking agwat ng edad nilang dalawa, milya-milya ang layo at diprensya ng pananaw nila sa buhay at pati na pag-uugali. Mukhang wala nang mas mahalaga pa rito kundi adventure at experience. At ang latest nitong conquest ay walang iba kundi sya at ang patunayang walang matimtimang santo sa katulad nitong hindi marunong makinig sa rason at matigas ang bumbunan.