Buong buhay ni Ning ay nakaratay lamang siya sa kaniyang mumunti at de kahoy na kama dahil sa isang hindi pangkaraniwang karamdaman. Magmula nang ihatid siya ng isang mapagmalasakit na sibilyan sa isang orpanya ay wala na siyang ibang kinagisnan kung hindi ang mga muwebles sa kulay ulap na pader. Isang araw, puwersahang napatalsik si Ning at ang iba pang mga kabataang kasabay niyang lumaki sa orpanya sa kadahilanang itinigal na ng kumpanyang sumusuporta dito ang pag suplay sa orpanya ng salapi na siyang naging dahilan upang mawalan ito ng kakayahan upang sila ay kupkupin at sustentohan. Kaawa-awa at kalunos-lunos man ay hinarap ni Ning ang hamon ng tadhana at nanirahan sa lansangan na kung saan ay patuloy siyang pinahihirapan at inuubos. Dahil sa walang hanggang pagdarasal ni Ning upang mapalaya ang sarili sa karahasan, kinaawaan siya ng mahabagin at tuluyan siyang binigyan ng kalayaang matagal na niyang hinihiling. Ngunit hindi dito nagtatapos ang buhay ni Ning sapagkat matapos niyang malagotan ng buhay, napag-alaman niyang nalipat siya sa katawan ng isang maliit, madungis, at matabang daga! Hindi lang iyon ngunit- Siya ay isang dagang may pamibirang system! Tunghayan!
6 parts