Chapter 1: Imminent Death

13 2 0
                                    

Kapitulo 1: Nalalapit na Pagkamatay

Read at your own risk!

_

"Get off the way!"

"Pulubi, tabi! Paharang-harang ka sa daan eh."

Beep! Beep!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, aber? Tumabi ka nga, basura!"

Sa araw-araw, samutsaring masasakit na kataga ang sasaksak sa aking puso. It's like a salt that would inevitably worsen my long-carved wound and add gasoline to the fire that has never stopped burning my insides.

Alam nang diyos, kung meron man, ang mga paghihirap na paulit-ulit kong tinatakasan.

Minsan, naaawa sa akin ang kalikasan at may ibang mamamayang may mabuting kalooban ang magbibigay sa akin ng pagkain at damit.

May iba pa ngang niresrespeto ang aking kaawa-awang kalagayan at sila na mismo ang gagawa ng paraan upang hindi na madagdagan ang walang kataposan kong paghihirap.

"Ineng, tulungan na kitang tumabi, baka may mangyari pa sa iyong masama dito, eh."

Sa hindi malamang dahilan ay napapangiti at magsusumiya ang aking kalooban sa tuwing naaalala ko ang mga mababait na nilalang na iyon. Minsan, ninais ko pa nga na ibalik ang mabuting loob na ipinagkaloob nila sa akin.

Ngunit — tila imposible na na mangyari pa iyon lalo't, palala na ng palala ang aking kalagayan sa bawat pag inog ng mundo.

Every day, my breath would weaken and my vitality would shrink to the core. Every day was like a tough work day for me. It's like an endless chasm and a repetitive cycle of matter that would never have a conclusion.

Sometimes, I would ask myself, "Am I really that undeserving to experience a holiday?"

Hinawakan ko ang aking pisngi nang madama ang pag tulo ng likido doon.

Ni hindi ko man lang agarang napansin na umiiyak na pala ako.

Tila ginawa na akong manhid ng oras. Tila hinubog ako nito bilang isang taong wala nang nararamdaman pa. Na kahit ang sakit ay akin nalang isinasawalangbahala.

Ngunit heto, may ma gagawa pa ba ako? Wala na ata maliban sa simpleng pagyakap sa sarili at pagkulong sa katotohanang walang kasundo -sama ang reyalidad.

Kailan pa ba? Until when am I going to suffer? Until when will this torture meet its end?

Or... Will this even end?

It seems that heaven heard my cry of grief when a dazzling purplish lightning as thick as a child's arm got freed from the shackles of the sky and rumbled upon me like a greedy and hungry predator that finally found its prey.

Is this really the end?

Sa halip na magdalamhati sa nalalapit na kamatayan, hindi mapaplagyan ang sayang namamayani sa puso't isipan ko.

Ngayon, wala na akong ibang nais na gawin kung hindi ang magpasalamat sa kalangitan.

Thank you, heavens! You've heard me!

Sa huling pagkakataon, sumilay ang isang ngiting matagal nang nakakubli sa maskarang puwersahang itinampok ng tadhana sa akin.

It's like the shackles of destiny finally took pity on me and freed me after suffering countless bargaining and misfortunes.

All this time, I've been fighting for my life. All this time I have tried to survive and thrive.

But now that I'm tired...

Wouldn't it be better to just let go?

Boom!

Sa isang iglap, ang silhota ng isang dalaga na ilang segundo lang ay mamamataan pa ay naglaho at nawala na parang bola.

End of chapter 1.

Thank you for reading!

Vote, like, and share.

Legend of Rat with a System Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu