No matter where you go, I'll still find you. ... Biglaang nagbago ang buhay ni Serenity Avrielle Scion. Sa kagustuhan niyang mahanap ang mga taong nagpalaki sa kanya ay magbubukas ang bagong mundong na naiiba sa ginagalawan niya. Kasabay nun, matutuklasan niya ang madilim na katotohanang magbibigay ng liwanag sa kanyang murang isipan. 16 years old ngunit sasabak siya sa isang byaheng walang balikan. Walang ibang pagpipilian kundi ang magpatuloy. Makakaya kaya niya ang mga naghihintay na rebelasyon at pagsubok? Kanino siya huhugot ng lakas ng loob sa mundong nababalutan ng misteryo at dugo?