Chapter 2

0 1 0
                                    

ESCAPE

Serenity's POV

Naalimpungatan ako nang biglang may yumugyog sa aking magkabilang balikat.

"Eren, gising. Aalis tayo. " bulong ni tita at parang kinakapos ng hangin.

Anong nangyayari?

Nakita ko naman si tito na abala sa pagliligpit ng gamit namin.

"San tayo pupunta?" taka kong tanong at nagkamot ng mata.

"Basta. Tumayo ka na jan at ayusin mo ang mga gamit mo. " utos niya.

Nakatingin lang ako sa kanya nang buong pagtataka.

"BILIS! "

Napabalikwas ako sa aking higaan matapos niya yung sabihin.

Medyo kinakabahan na din ako.

Napatingin ako sa alarm clock ko na ngayon ay nagsasabing alas dose na ng gabi.

San naman kami pupunta ng ganitong oras?

"Haysst" buntong-hiniga ko at nagligpit ng gamit.

Kumuha ako ng black bag sa may cabinet at isinilid dun ang mga gamit ko. Syempre bawal makalimutan ang aking pinakamamahal na alarm clock.

Maiwan lang ang lahat wag lang itong alarm clock na 'to. Mas matanda pa ata to keysa sakin ih.

"Eren, halika na! " tawag sakin ni tita.

Nagmadali naman akong bumaba dala-dala ang mga gamit ko. Dahil sa tono ni tita nagpapanic attack ako.

"Tita, Tito, ano bang nangyayari? " naiiyak kong tanong.

Di ko na mapigilang matakot dahil sa inaasta nila. Nangingilid na ang mga luha ko.

"Serenity, pasensiya kana ah. Tinakot ka ni tita. Pero di ko muna masasabi sayo and dahilan at kung saan tayo tutungo." naiiyak na din siya. "Basta aalis tayo. Lalayo tayo mula dito. "

Pinahid niya ang mga luha ko.

Tumango nalang ako at sumakay na sa sasakyan.

Mukang mapapaaga ata ang plano naming paglipat.

Di ko man alam ang dahilan nila pero may tiwala ako sa kanila.

Mabilis na pinaandar ni tito ang sasakyan at di ko na alam kung nasaan kami kasi ibang daan ang ginamit ni tito. Imbes na highway ay mukhang shortcut siguro ito.

Habang papalayo kami mas bumibilis ang kabog ng puso ko. Sa di malamang dahilan pakiramdam ko may mangyayaring di maganda.

Napatingala nalang ako sa kalangitan.

Ang ganda ng buwan ngayon.

Bilog na bilog at pinalilibutan ng kumikislap na mga bituin. At kapansin-pansin din ang pagliwanang ng Polaris (north star).

Napatingin ako kay tito na abala sa pagmamaneho ng sasakyan.

Mukhang pahilaga ata ang landas namin.

Pero ano namang gagawin namin dun? Mukhang papunta na ata kami sa bahay ni kingkong dahil sa masukal na ang dinadaanan namin.

Napukol ang tingin ko sa mga kahoy na dinadaanan namin. Parang may kung anong gumagalaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SerenityWhere stories live. Discover now