"Tulad ng alon sa dagat ang buhay ay punong puno ng mga bagay na hindi inaasahan, walang kasiguraduhan, puno ng surpresa, problema at mga palaisipan" Tungkol ito sa malikhaing kaisipan ng isang binatang nag- iisa lagi sa kanyang kwarto na laging nakatingin sa bintana. Wala siyang paki alam sa mga nangyayari sa labas ng kanilang bahay, tinatamad na siyang gumala, malabo na rin ang kanyang mga mata ngunit malinaw sa kanyang isipan ang mga bagay na gusto niyang iparating ngunit walang handang makinig. Hindi siya agad agad nagpapakilala ng lubos ang hindi inaasahan ang kanyang mga desisyon, galing na siya kweba ng kalungkutan at unti- unting lumalabas sa pag- asa ng kinabukasan.