Isang prestirhiyosong paaralan kung maituturing ang Divine Academy na nahahati sa Limang Houses na pinamumunuan ng Limang magigiting na mga founder ng nasabing Akademya. Ang nasabing Akademya ay nakatatag sa isang malaking lugar na kung tawagin ay Holy Light World. Panahon na naman upang magkaroon ng magigiting na mga estudyante upang sanayin ang galing ng mga ito sa larangan ng talino at lakas ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay unti-unting lumalakas ang kampon ng Kasamaan at ang natural na layunin ng paaralang ito ay ihanda ang bawat henerasyon at piliin ang karapat-dapat na humawak ng mabigat na tungkulin upang labanan ang kampon ng kasamaan. Kasamaan, ito ang maaaring lumupig sa mapayapang mundo ng Holy Light World dahil na rin sa unti-unting paglakas ng kampon ng kadilimang hindi pa rin matalo-talo noon pa man. Kasabay ng pagkawala ng magigiting na mga mandirigmang namatay sa layuning puksain ang kasamaan ay unti-unting humina ang pwersa ng liwanag. Mula sa natural na daloy ng buhay at kamatayan, liwanag at kadiliman, kasamaan man o kabutihan ay tila nawawala na ang balanse ng naturang mundo. Kasabay ng pagkawala ng lahat ng malalakas na mga nilalang na may taglay ng napakadelikado ngunit makapangyarihang abilidad upang labanan ang kasamaan ay tila mapupuksa ang liwanag. Sino ang makapagliligtas sa kanila? Ano ang magiging papel ng isang ordinaryong dalagang may tinatagong lihim mula sa katauhan nito?