Walang ibang pinapangarap si Ruby Red kundi ang magkaroon ng isang brand new luxury car. Kaya kahit tamad siyang mag-aral ay pinilit niyang magsunog ng kilay para makapagtapos sa kursong engineering. Nang sa ganun ay makapag-trabaho siya sa car shop ng kuya niya at mabili ang pangarap niyang mamahaling kotse. Akala niya pagka-graduate niya ay pagtatrabahuhin na siya ng kanyang kuya sa car shop nito pero mali siya. Ang nangyari, pagka-graduate niya ginawa siya nitong yaya ng mga pamangkin niya. Wala naman problema sa kanya ang maging yaya ng mga pamangkin niya kaya lang paano naman ang pinaghirapan niyang kurso? Hindi siya nagpakahirap mag-aral para lang maging yaya ng mga pamangkin niya. She study hard because she has a dream. And her dream is to own a luxury car. Ngayon napagdesisyunan niyang maghanap ng trabahong may malaking sweldo. Sa ganun mabilis siyang makaipon at mabili niya ang sasakyang pinapangarap niya. At sa tulong ng kanyang bestfriend ay agad siyang nakahanap ng trabahong may malaking sweldo. Yun nga lang ang magiging trabaho niya ay maging isang yaya. Aalis siya sa bahay ng kuya niya dahil ginawa lang siya nitong yaya ng mga pamangkin niya. Ngayon, pagiging yaya pa rin ang magiging trabaho niya? Nakakasama man ng loob pero kailangan niyang tanggapin ang kapalarang ito. Ito talaga siguro ang nakaguhit sa mga palad niya ang maging isang yaya.