『Welcome to Fantasy Gale Online』 『Player, please select your starting point』 『You have chosen ****** as your starting point』 『We will now transfer you to your destination』 『Goodluck, Player』 Nagbago ang buhay ng napakaraming tao matapos nilang pasukin ang mundo ng laro na Fantasy Gale Online. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, hindi lamang ang buhay nila sa loob ng laro ang nabago kundi pati na rin ang buhay ng mga taong naiwanan nila sa tunay na mundo. Sa panganib na parating nakasunod sa kanila, kinakailangan nilang makaligtas. Tawirin ang bawat lumulutang na isla upang makarating sa dulo ng laro. Ngunit magagawa kaya nilang makaligtas ng walang namamatay sa kanila? Magagawa kaya nilang makabalik sa mundong tunay nilang tahanan? Sumama sa paglalakbay at pakikibaka ng ating bida sa mundo ng laro. Ihanda ang ating mga sarili sa paparating na ...Laro ng Buhay.
3 parts