Prologue

2 1 0
                                    

Welcome to Fantasy Gale Online

Player, please select your starting point

You have chosen ****** as your starting point

We will now transfer you to your destination

Goodluck to you, Player






♧♧♧





Patuloy na umuunlad ang mundo sa paglipas ng panahon. Sa mga panahong umuuso ang laro sa lahat ng mga kabataan. Isang sikat na imbentor ang lumikha ng isang laro na kinawilihan ng nakararami. Bata, matanda, may kapansana man o wala, lahat ay maaring maglaro.

Dahil doon, mabilis na sumikat ang larong iyon. Ngunit sa likod ng magandang komento ng medya, nakatago ang isang sekreto.

...

Shein, ang pangalan ng isang babaeng nakahiligan ang paglalaro simula ng tumuntong siya ng ikaanim na baitang sa paaralan.

Makalipas ang anim na taon, isa na siyang senior high sa paaralang Vito Belarmino. Kahit dalawa na lamang sila ng kaniyang kuya sa pamilya, hindi iyon nakahadlang sa kaniyang pag-aaral. Palaging nakasuporta ang kaniyang nakatatandang kapatid anumang gawin niya.

Sa mga taong lumalaki at natututo siya tungkol sa mundong kaniyang sinilangan, nagkakaroon siya ng sarili pananaw sa mundo.

Ng sumikat ang larong nakaagaw sa kaniyang atensyon, hindi siya nagdalawang isip na kausapin ang kaniyang kuya kung maari ba siyang makabili ng laro na iyon. Dahil sila na lamang ang magkasama sa buhay, hindi siya tinanggihan ng kaniyang kapatid. Ito rin kasi ang unang beses na siya ay humingi ng bagay sa kaniyang kuya.

Matapos makuha ang kaniyang nais, nagsimula na siyang maglaro.

Ngunit ang paglalaro niyang iyon ang makababago sa kaniyang buhay. Ito ang larong makapaghihiwalay sa kaniyang kuya sa kaniya.

Kailangan niyang MAKALIGTAS.

FGO: Fantasy Gale OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon