"Nakakairita talaga ang babaeng yun"inis na sabi ni Lara Kitang may boyfriend na yung tao nilalandi niya pa at higit sa lahat BOYFRIEND KO LANG NAMAN ANG NILALANDI NIYA!! "Ano ba Lara?kita mo ngang hindi ko pinapansin yung sales lady kanina di ba?"natatawang sabi ni Vincent "At talagang tinatawanan mo pa ako"umuusok na sa galit si Lara "Bakit ka ba nagseselos ehh ikaw lang naman ang gusto ko ehh" "Kahapon nga nakita kitang kasama si Gwenn"pang iintriga ni Lara "Nagkabungguan lang kami"pagtatanggol ni Vincent "Paano yung nakita ko na kasama mo ang Monique na yun?" "Pinabigay lang ni Jake yung loveletter niya sa girlfriend niya"sagot ni vincent "Balita ko may kausap kang babae malapit sa photoshoot niyo" "Nakita kong umiiyak yung babae kaya binigyan ko ng panyo" "Talaga??" "Oo nga sabi.Ang kulit" "Tapos nung isang araw nakita ka nila nasa bar ka daw" "May pinuntahan lang ako"dipensa ni Vincent "Babae ba yung pinuntahan mo?" "Hindi" "Sino yung pinuntahan mo?" ....