DU1(Throwback)

37 3 0
                                    

*boogsh*

"Yan ang bagay sa iyo nerd!"sigaw ng lalaki bago ito tuluyan lumayo

"Bwiset! Talagang lalaking yun.Siya na nga ang nakabangga.Siya pa ang may ganang magalit.Sana hindi na magtagpo ang landas namin"inis na sambit ni Lara

Sa di kalayuan nakita ni Lara si Clarence.Si Clarence ang lalaking matagal na niyang gusto simula pa lang nung bata pa siya.

"Hay! Clarence bakit ka pa kasi nanliligaw sa Gwenn na yan.Hindi ka niya gusto"

Habang naglalakad naisipan niyang pumunta sa library para kumuha ng libro pero kailangan niya munang dumaan sa basketball court.Nang dumaan siya sa basketball court ay hindi niya aasahan na may bolang tatama sa mukha niya

"Aray!"yan ang nasambit niya nang natumba siya dahil sa lakas ng impact ng bola.

"Miss sorry "hingi ng paumanhin ng lalaking nagtapon ng bola

At nang akmang lilingunin na sana niya ang lalaki.Bigla na lang lumapit ang grupo ng mga babae para magpakuha ng larawan dito

Sino ba ang lalaking yun?bakit madaming nagpapakuha ng larawan sa kanya?Wala namang artista dito sa Dalton's University.

Hayaan na nga baka habulin lang talaga siya ng mga babae

Hindi pa pala ako nagpapakilala .Ako pala si Lara Antonette Hidalgo.Nag iisang anak nina Andy at Mara Hidalgo.Buong buhay ko lagi akong sumusunod sa magulang ko.Nag aaral pala ako sa Dalton's University.

"Ang saklap naman!" Ang layo layo kaya ni Clarence sa akin huhu

Sa sobrang laki ba naman nitong school.Ehh kahit nga dito sa malapit sa bahay ko maliligaw ka talaga lalo na kung wala kang mapa.Buti na lang dito ako nag aral noong preparatory hanggang ngayon.Ehh kabisado ko na dito.Kasya ang kahit isang milyong estudyante.10000 per day ang binabayad namin.Ang mura lang noh? 10000 pesos ehh hindi ka nga makabili ng kahit isang sapatos sa halagang yan.

Habang naglalakad ako bigla na lang akong hinigit ng isang babae

At nang mamukhaan ko ito."Y-Yvette!"

"Oo ako nga"

"Ang tagal mong nawala ahh"

"Well gusto kasi ni mama na ikotin namin ang boung Europe at sa wakas natapos namin kahapon.Alam mo ba nagpatayo si mama ng isang maliit na botique sa Venice.Yun nga lang sobrang liit hanggang 24 floors lang.Sabi ko nga kay mama gawin niya na lang na 50 floors para lumaki ng konti ang botique niya.Sabi niya sa akin na 24 floors lang muna para pag nalugi okay lang daw."pagkwekwento niya

"Bakit hanggang ngayon Lara nerd ka pa rin??"inis na sambit niya

"Alam mo naman na malabo ang mga mata ko di ba?"

"Alam kong malabo ang mata mo pero pwede ka din namang mag contact lens.Malay mo mapansin ka din ni Clarence kapag nag ayos ka"

"Dapat matanggap niya kung ano ako kung talagang mahal niya ako"

"Grabe! Ang fighting spirit.Kung sana noon ka pa nagpapaganda ehh di sana kayo na matagal na.Alam mo ba na kamukha mo yung bida sa dream high?"

"Yung magaling kumanta"

"Oo yun nga.Ano nga ulit ang pangalan nun"

"Bae Suzy yata.Pero di ba hindi nagsasalamin yun?"

"Hindi nga kaya maganda siya.Ikaw alam mo kung wala lang ang salamin mo .Napakaganda mo.Alam mo ako bilang isang fashion designer alam ko na kapag naayosan ka mas lilitaw ang ganda mo"

"Pero baka hindi nila magustuhan"

"Paano kapag nagustuhan nila?Subukan mo lang.Bestfriend mo ako at alam ko kung ano ang mas nakabubuti sa iyo"

[Destiny]-My Nerd Princess(Coming Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon