Lara

81 2 3
                                    

"Nakakairita talaga ang babaeng yun"inis na sabi ni Lara

Kitang may boyfriend na yung tao nilalandi niya pa at higit sa lahat BOYFRIEND KO LANG NAMAN ANG NILALANDI NIYA!!

"Ano ba Lara?kita mo ngang hindi ko pinapansin yung sales lady kanina di ba?"natatawang sabi ni Vincent

"At talagang tinatawanan mo pa ako"umuusok na sa galit si Lara

"Bakit ka ba nagseselos ehh ikaw lang naman ang gusto ko ehh"

"Kahapon nga nakita kitang kasama si Gwenn"pang iintriga ni Lara

"Nagkabungguan lang kami"pagtatanggol ni Vincent

"Paano yung nakita ko na kasama mo ang Monique na yun?"

"Pinabigay lang ni Jake yung loveletter niya sa girlfriend niya"sagot ni vincent

"Balita ko may kausap kang babae malapit sa photoshoot niyo"

"Nakita kong umiiyak yung babae kaya binigyan ko ng panyo"

"Talaga??"

"Oo nga sabi.Ang kulit"

"Tapos nung isang araw nakita ka nila nasa bar ka daw"

"May pinuntahan lang ako"dipensa ni Vincent

"Babae ba yung pinuntahan mo?"

"Hindi"

"Sino yung pinuntahan mo?"

"Yung schoolmate natin"

"Sino nga??"

"Si Jake naglalasing"

"Bakit daw??"

"Ang dami mo namang tanong"

"Wala ka ngang oras sa akin"pagtatampo ni Lara

"Alam mo naman na model ako at kailangan kong mag photoshoot"

"Di ba madaming magagandang babae doon??"

"Oo nga madaming maganda doon..."hindi na natapos ni Vincent ang sasabihin niya ng biglang sumabat si Lara

"Kita mo nga ikaw na mismo ang nagsasabi na madaming magaganda doon"

"Patapusin mo muna ako.okay??Madaming magaganda doon pero ikaw lang ang babaeng mahal ko.at ikaw lang ang babaeng pakaakasalan ko"

"Talaga??"

"Oo nga sabi.Kung gusto mo ngayon tayo mismo magpakasal para honeymoon na natin mamaya"

"Loko ka talaga"sabay hampas sa nobyo

"Nagbibiro lang naman ako .Pero hindi ako nagbibiro nung sinabi kong mahal kita at ikaw lang ang babaeng pakakasalan ko."

[Destiny]-My Nerd Princess(Coming Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon