Sinisikap ni Lianna na kalimutan ang nakaraan nila ni Theron. Ang pagmamahalan na siyang nagwasak sa pagkatao niya. Sa dalawang taon na pagbangon at pagbuo sa kanyang sarili, unti-unting tumatak sa isip niya ang maghiganti. Ang dating busilak na puso nang babae ay napuno ng galit at poot.