Nagising si Bruce ng maaga, dali-dali siyang naligo at nag-ayos ng sarili. Alam niyang maraming tao ang naghihinatay sa simbahan. Sapagkat sa araw na ito, magaganap ang pag-iisang dibdib nilang dalawa ni Casey. Nang sunduin siya ng kaibigan niya, ngumingiti lamang ito ng bahagya. Nang dumating sila sa simbahan, napansin niyang wala pa ang ibang kamag-anak ni Casey. Binati siya ng kanyang best man, ang papa niya, sabay itong nag-intay sa tabi niya. Pero nakalipas ang isang oras, wala pa rin ito. Tatawagan na sana niya si Casey, napansin niyang may instagram message sa cell phone niya, nakita niya ang nakahubad na katawan niya katabi si Bianca. Hindi makapaniwala si Bruce, papaano nangyari ito? Tanong niya sa isip niya. Galit na inis na umalis si Bruce, pumunta sa bahay ni Casey. Nngunit wala na si Casey, sabi ng tatay nito. Kitang-kita ni Bruce ang wedding gown nito, nakasabit sa aparador. Ibinigay ng tatay ni Casey ang sulat na para kay Bruce. Binasa naman ito kaagad ito ni Bruce. "Bruce, Alam kong nagtataka kung bakit wala ako sa tabi mo sa altar. Pagkatapos nating mag-usap ng hapong mag-katampuhan tayo, nagdesisyon ako na aalis ako, pero nag-isip pa ako ng maigi. Ayaw din kitang iwan. Alam kong baka may iba pang paraan para makuha ko ang pinapangarap kong maging successful on my own pero lahat ng iyon ay naging impossible dahil sa ginawa mo. Kung alam ko lang na mas pipiliin mo si Bianca sa bandang huli, sana hindi na ako nag-aksaya ng panahon para makipagusap saiyo kung saan ko dapat gustong mag-aral. Minahal kita, kaya palalayain din kita. P.S. huwag mo na akong hanapin. By this time, nakaalis na ang eroplanong sinasakyan ko. Have a great life and good luck to you and Bianca... Goodbye. Yun lang at umiyak ng umiyak si Bruce, hindi niya mapatawad ang kanyang sarili sa nangyari. Kahit kailan hindi niya pinangarap na pagtaksilan si Casey, mamatay man siya. Pero wala na si Casey, malayo na ito. Lahat ng pinagsamahan nila, nawala ng isang kislap.
10 parts