Chapter Five

85 1 0
                                    

Dumating si Bruce mula sa Cebu, isang linggo siyang nanatili doon dahil sa business meeting. Pagod na pagod ito ng makauwi sa bahay niya. Dumeretso siya sa kusina at nilagyan niya kaagad ng pagkain ang bowl ni Mango, sabay sipol niya. Doon niya narealized na wala si Mango, nasa papa niya ito, kasama si Casey. Nagdecide si Bruce na bumisita sa papa niya, naligo ito at nagbihis. Pagkatapos ay nagmamadali itong sumakay sa kanyang kotse. Excited na makita si Casey.

Samantalang si Casey, bisi itong namimili ng damit na pang-night out kasama si Vans. Hindi siya makapagdecide kung pula or itim ang bibilhin niya. Si Vans naman ay walang tigil sa pagpoposing suot-suot ang high heel shoes na ipaparis sa kanyang skinny jeans. Napansin ni Vans na medyo nahihirapang magdecide si Casey, nilapitan niya ito.

"Cass, I think the black would do you. Trust me."

"You think so?"

"Ohh.. Yessss." Sabay kuha nito sa itim na dress at hinila ang kortina ng fitting room, pilit na pinapapasok si Casey.

"Okay."

Tiningnan ni Casey ang sarili nya sa salamin, malaki nga ang pinagbago niya. Hindi na siya ang dating Casey na mukhang tomboy. Kitang-kita niya ang hugis ng kanyang katawan, nagposing ito, sabay niyang itinaas ang mahaba niyang buhok.

"Are you ready to see the new me? You have no idea. You better be ready Bruce Santiago. I'm going to win you back!" Lumabas siya ng fitting room at ipinakita ang suot niyhang itim na damit kay Vans, pumalakpak ito.

"Yeah girl. That's what I'm talking about."

Nang matapos silang mamili, dumating sila sa bahay, nagtatawanan ang mga ito. sumalubong naman si Mango, kasunod nito si Bruce. Napatingin si Casey, napangiti lamang ng bahagya, ngumiti din si Bruce. Nakita naman ni Vans ito at kinindatan si Bruce, sabay itong lumapit.

"Hi Bruce, ang tagal mong mag MIA."

"I just came back from Cebu, business meeting."

"Sure, you guys always use that excuse." Sabay itong nagtanggal ng kanyang boots at kumembot papasok ng bahay. Napailing lamang si Bruce dito.

"Hi Casey. Kamusta ka na?"

"Good, and you?" Tanong naman nitong pabalik sa kanya, at naghubad ito ng sandals sa harap niya. hindi maiwasan ang tingnan ang mga binti nito. Namula ang mga pisngi ni Bruce.

"I'-im good." Bigla itong umiwas sa tingin ni Casey, ayaw niyang makita na namumula ang kanyang pisngi.

Pinapanood naman ni Vans ang bawat kilos ni Casey, wala itong imik pero excited na siya sa mga paraan nito para makuha muli si Bruce. Pinagmasdan niya ang mukha ni Bruce at kitang-kita niya ang reaksyon nito. You go girl... Bulong ni Vans sa isip niya.

Dumeretso si Casey sa kuwarto niya, at nagmadali itong mag-ayos. Si Vans naman ay nag-iintay sa sala kasama ni Bruce. Halos hindi mapakali kung itatali ba niya ang buhok niya o hahayaan lamang niya itong nakalugay. Nagdecide siya, nilugay niya ang kanyang buhok. Paglabas niya ng kuwarto, dumeretso kaagad siya sa hagdan, bumaba ito...dahan-dahan.

Napuna ni Bruce na may pababa sa hagdan, nakita niyang naka-high heels ito, kinabahan siya. Dahan-dahan itong bumababa sa hagdan. Nakita niya rin ang maputing binti nito, ang tuhod nito, at ang parte ng hita na hindi natatakpan ng damit nito. Napatayo siya, bumibilos ang tibok ng puso niya, si Casey... Napakaganda nito sa suot na itim na damit. Hindi ito makapaniwala sa bagong Casey. Unti-unti itong lumapit sa harapan nila Bruce at ni Vans. Sa di kalayuan, napangiti lamang ang papa ni Bruce, pakiramdam nito ang balak ni Casey, tuwang-tuwa ito.

"S-saan ang punta mo?" Takang tanong ni Bruce.

"Lalabas kami ni Vans. Diba?"

"Ahh... You see, the thing is... Nagtext si papi ko. Alam mo namang ayaw kong mamiss ang tawag ng aking love."

I Need You Back©Место, где живут истории. Откройте их для себя