Chapter Seven

54 0 0
                                    

Pagkagising ni Bruce, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kagabi, hindi niya malaman kung bakit nagbago ang isip ni Casey. Bumangon siya at pumunta sa sala, nagligpit ito. Napansin niya ang litrato ni Margaret sa may shelve, malapit ito sa stereo system niya, napapapikit is Bruce sa inis. Kinuha niya iyon at nilagay sa isang box, at nilibot niya ang bahay. Hindi niya matandaan na binigyan siya nito ng picture, sa isip niya, how could Margaret do this to him? Imbis na itago niya ang box, itinapon niya ito sa basurahan. Naisahan siya ni Margaret. Tinawagan niya ito...

"Hey. You called?"

"Yeah. How could you do this?" Galit na tanong ni Bruce habang nakatayo ito sa may sala.

"Do what?" Patay malisya na tanong ni Margaret. 

"Naglagay ka ng picture sa bahay ko?"

Hindi umimik si Margaret, alam niyang may nangyari siguro kay Casey at Bruce, ngumiti ito...

"Did you think you're going to get away that easy?"

"We broke up!"

"I guessed, she must have thought, tayo parin. Oh poor baby, did she cry?"

Nagalit si Bruce sa sinabi ni Margaret, pinutol niya ang tawag nito, nagmadali siyang nag-ayos ng kanyang sarili. Nagpasya siyang puntahan si Casey para mag-explain. Dumating siya sa bahay ng papa niya at hinanap si Casey. Nakita niyang nakaupo ito sa may hardin... Nilapitan niya ito.

"Gising ka na pala."

Lumingon si Casey sa likod at nakita niyang nakatayo si Bruce, nakatingin ito sa kanya. Nilapitan siya nito.

"Casey, I'm so sorry. Hindi ko alam na may picture siya sa bahay ko."

"Why not? Girl-friend mo naman siya."

"I should have said something, pero ayaw ko ng magdagdag pa ng sakit ang puso mo."

Unti-unti syang nilapitan ni Bruce, pinagmasdan siya nito. Hindi naman maiwasan ni Casey na mapansin ang mga matang nakatingin sa kanya, kinabahan ito. Pilit ni Casey ang umalis na harap nito pero bago pa siya makaalis, hinawakan na ni Bruce ang braso niya...

"Casey, please... "

"Just let me go."

Pinanood lamang ni Bruce na umalis si Casey. Sa isip niya, gagawa siya ng paraan para maramdaman ulit ni Casey na siya ang tunay niyang mahal. Hindi siya magsasawa na ipadama at ipakita na si Casey lamang ang babaing nagmamay-ari ng puso niya. Pinuntahan siya ni Vans, naawa ito sa kanya, sumunod naman ang kanyang papa tulak nito si tatay Louis.

"Iho, talagang ganyan, konting tiis." Payo ng papa niya. 

"Teka-teka, paano si Margaret? Diba kayo pa?" Tanong ni tatay Louis.

"Wala na po kami."

"Kailan pa ito?" Tanong ulit ni tatay Louis, habang nakikinig naman sina Vans at ang papa niya.

"The same day ng malaman kong nandito si Casey."

"Ikaw ang nakipag-break?" Tanong naman ng papa niya.

"Hindi po, siya po."

"OHH.... Well... Hindi ka niya mahal. How could someone gave up on you? Kung ako ang nobya mo. Trust me, hinding-hindi kita pakakawalan."

"Eh-hem!... " Sabay akto ng papa ni Bruce.

"Advice lang naman po. What can I say? I can relay to Casey's feelings. Babae din yata ang puso ko."

Nagtinginan lamang sina Bruce, tatay Louis at ng papa niya, napailing silang lahat. 

"So anong problema?" Tanong ni tatay Louis.

"Apparently, Margaret was able to leave pictures of her at my house and Casey thought, it's still us."

"Bakit hindi mo tinaggal ang picture nito?" Sabi naman ng papa niya.

"She never gave it to me in the first place."

"Oh my goodness, You were framed up. Get's mo? Framed up." Sabing bigla ni Bruce at natawa ito sa sariling joke niya.

"I trust you, iho. You know how to handle this things."

"I just hope Casey still trust me." Sagot naman ni Bruce.

"So anong balak mo?"

"Something that I should've have done long time ago." Biglang sabi ni Bruce, at kinausap niya ang tatlo sa plano niya.

Dumeretso si Bruce sa office niya pagkatapos nitong umalis sa bahay ng papa niya. Alam niyang maaaring may gawin na hindi maganda si Margaret, kaya kinausap niya si Paul na subaybayan ang account nila Margaret. Wala namang itong nakitang masama sa account pero kailangan nilang makasiguro. 

"Mr. Santiago, nabalitaan po namin na bumalik na si Casey."

"Papaano mo nalaman yan?"

"Words spreads fast po."

"I see."

"Do me a favor, I will be gone for about a week. I have something important that I needed to do."

"Sige po, Mr. Santiago."

Umalis din kaagad si Bruce, nag-impake ito ng damit. Dumeretso ito sa bahay ng papa niya. Pagkapasok niya sa loob ng bahay, nakita niya kaagad si Casey. Dire-diretso siya dito, kinabahan si Casey. Bigla itong kinarga ni Bruce. Nilabanan naman ito ni Casey, pero mabilis si Bruce dahil bitbit-bitbit niya na ito na sa balikat niya.

"Bitiwan mo nga ako!"

"Sorry can't do that. Bigla ka yatang bumigat."

"Ano? Mabigat ako?"

"Huwag ka na kasing pumalag."

"Bruce bitiwan mo ako! SAKLOLO! I"M BEING KIDNAP!" Sabay hampas ni Casey sa likuran ni Bruce, napangiti lamang si Bruce.

Paglabas nila, nandoon na si Vans, ang papa ni Bruce at ang tatay niya. Nagulat siya dahil may inilagay itong maleta sa loob ng kotse ni Bruce. Kumaway pa si Vans at kinikilig ito sa kanialng dalawa.

"Iho, andiyan na lahat ng kailangan mo."

Biglang lumapit si Vans at tinakpan ang mga mata ni Casey, pagkatapos ay tinalian naman ang mga kamay niya ni Bruce. Galit at inis ang nararamdaman ni Casey ng mga sandaling iyon. Sa lahat-lahat ng taong hindi niya inaasahan na gawan siya ng ganito ay yoong mga taong importante pa sa buhay niya. Narinig niyang sumigaw si Vans....

"Bye Newly weds, Honeymooners... Come back preggy!" Natatawang sabi nito. 

"Mag-ingat kayo iho."

"Sige po papa."

Napangiti lamang si Bruce sa itusra ni Casey, hindi niya akalain na magagawa niya ito kay Casey pero, kailangan dahil ayaw na niyang mawala pa si Casey sa buhay niya. Habang nagmamaneho si Bruce papunta ng airport, hindi umiimik si Casey. Pinilit niyang abutin ang kamay nito para mahawakan pero iniwas ni Casey ang kamay niya ng maramdaman ang kamay ni Bruce.

"Saan mo ako dadalhin?"

"Somewhere."

"Saan nga?"

"I don't know. We'll see."

"Ano? kikidnappin mo ako tapos hindi mo alam kung saan mo ako dadahin?"

"Nope. I have no idea."

Maya-maya lamang nakadinig si Casey ng mga boses, inalalayan siya ng mga ito. Narinig niyang nagsalita si Bruce...

"Becareful guys, she bites."

"Eh sir, saan po namin siya ilalagay."

"You know the place, make sure, she can't get away."

Natakot si casey kung saan siya dadalhin... Nagmamakaawa ito.

I Need You Back©Where stories live. Discover now