Chapter Two

67 1 0
                                    

Ayaw magpahalata ng papa ni Bruce at ni Tatay Louis na parating na si Casey, kinakabahan ang dalawang matanda dahil hindi nila alam ang magiging reaksyon ng isa't isa. Lalo na kapag nalaman ni Casey na may bago na sa buhay ni Bruce. Hindi din malaman ng papa ni Bruce kung ano ang gagawin dahil nakatira ang tatay ni Casey sa bahay ni Bruce. 

Habang nasa opisina si Bruce, nakatingin siya sa litrato ni Casey, itinago niya iyo kung saan hindi ito makikita ni Margaret. Alam niyang magtatalong buwan na rin silang magkasintahan, at pilit niyang kinakalimutan si Casey. Hindi inaasahan ni Bruce na bibisita ang kanyang papa, nagkandarapa itong itago ang litrato ni Casey.

"Papa. I'm surprised to see you."

"Sorry, iho. I was wondering kung puwedeng hiramin ko muna si Louis mamaya?"

"Hiramin? What is he? A pet? Of course you guys can hang-out."

"Thank you, iho. Sige aalis na ako." Sagot naman ng papa nito at pasalamat na hindi ito nagtanong kung bakit. Pero biglang...

"Wait. Wait. I'm not invited? I'm part of this family too. Take me with you guys."

"I-i don't think it's a good idea. Margaret will be mad." Rason ng papa niya.

"Why? You are taking tatay Louis in a bar?"

"Yes! Yes.. A bar. Too many dancing ladies, not good for you. Bye."

Natawa lamang si Bruce sa sinabi ng papa niya, talagang gulat na gulat siya dahil ngayon lang ito lalabas ng bahay para magpunta ng bar. Nagpasya siyang yayain si Margaret sa bahay since, hindi matutulog si tatay Louis sa bahay. Tinawagan niya kaagad ito.

"Hey. How are you?" Bati ni Bruce.

"Hey, I'm good. In a meeting right now." Sagot naman nito sa kabilang linya.

"I was wondering if you want to spend the night together? I'm cooking."

"You're cooking? Well... Hmm. Tough choice. What else should I bring?"

"Just bring yourself, that's more than enough for me."

"Oh, that's why I love you." Sabi naman ni Margaret sa kanya, pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya masabi ang mga salitang iyon, kahit si Margaret na ang nobya niya.

"Okay so I should be expecting you by six?"

"I will do my best."

Samantalang sa mga sandaling iyon, nakarating na si Casey sa airport at kasama ang kanyang pinsang bakla na si Vans. Masayang-masaya ang dalawa, lalo na si Vans. Excited ito dahil matagal na itong hindi nakakbalik.

"Oh my goodness, Cass. We are going party every night."

"Yeah sure. Kapag pinayagan tayo ni Tatay, baka bigyan tayo ng curfew noon."

"Ay, walang problema... If we can do it kay mommy. I'm sure we can do it with tatay." Pabirong sabi ni Vans at kumembot-membot na itong naglalakad papalabas ng airport.

"Baka kuritin ni tatay iyang dalawa mong itlog."

"Ay mabuti nga, I need to do a sex change."

Natawa lamang si Casey sa sinabi ng pinsan niyang bakla. Maya-maya lamang ay napansin na nila ang papa ni Bruce at tatay niya. Tumakbo si Casey at niyakap ang dalawang matanda. Halos hindi na nila marecognize si Casey dahil ang laki ng pinagbago nito. 

"Casey, iha. Ang ganda-ganda mo na ngayon." Puri ng papa ni Bruce.

"Thank you po." Sagot naman ni Casey at tila may hinahanap ito. Napansin naman iyon ng dalawang matanda pero wala itong sinabi.

"Tatay, tumataba kayo. Pero ang guwapo parin." Sabay halik nito sa kanyang tatay.

"Ay, kasama sa lahi natin iyan Cass. Tingnan mo ako. Beauty." Biglang sabi naman ni Vans at natawa lahat sila.

"Ready na ba kayo?" Tanong ng papa ni Bruce.

"We-are-ready-sir!" Sagot ulit ni Vans at yumakap na ito sa papa ni Bruce. Napatingin lamang ito kay Casey at nakibit balikat.

Habang nasa loob sila ng kotse, pinagmamasdan ni Casey ang bawat daan sa labas. Napansin iyon ng tatay niya. Sinandal lamang ni Casey ang ulo niya sa balikat ng tatay niya, namiss niya ito, sobra. Kumain sila sa labas, masayang-masaya silang lahat, sa isip naman ni Casey, ang kulang na lamang ay si Bruce. Alam niyang nasaktan niya ito ng pag-alis niya. Hindi niya alam kung papaano haharapin si Bruce.

"Anak, masaya ka ba?" 

"Masaya po. Lalo na't magkasama ulit tayo." Sagot niya at ngumiti ito.

"I'm very happy too, iha. Welcome back."

"How about me?" Singit naman ni Vans.

"We are all happy you came with her." Sabi ng papa ni Bruce.

"Tay, bakit hindi tayo umuwi sa bahay natin?"

"It's not a good place to stay there for now. Marami ng sira ang bahay. Saka, I think mas makakapag-enjoy ang cousin mo kina Bruce." Nabigla sa sinabi ang tatay ni Casey at nakita niya itong lumungkot.

"Salamat po."

Nang makarating sila sa bahay ng papa ni Bruce, humanga kaagad si Vans sa laki nito. At nang makita ang swimming pool mas masaya pa ito. Ipinakita kay Casey kung saan siya matutulog, ang guest room. At si Vans naman ay sa isang guest room. 

"Naku ang sarap dito. Magtataning ang beauty ko dito. Buti na lang nagdala ako ng two-piece."

"VANS! Two-piece?" Inis na tanong ni Casey sa pinsan niyang bakla.

"Bakit masama ba?" Sabay irap nito pero tumawa ito.

Tumingin sa kanya si Casey, at gusto siya nitong lamutakin sa inis. Nagtatakbo silang dalawa sa paligid ng swimming pool at ng malapit nang abutin ni Casey si Vans ay saka niya itong isnapa sa pool, napasigaw ito. Pagkatapos ay nagpahinga muna ang mga ito sa kani-kanilang kuwarto. Sa sobrang pagod ay nakatulog si Vans, pero si Casey nagtataka kung nasaan si Mango.

Alas sinko pasado at nasa opisina parin si Bruce, nagmamadali itong umalis, pero biglang tumawag si Margaret...

"Hey, what's up?"

"Bruce, I'm sorry about tonight. I don't think I can make it." Malungkot na sabi nito.

"Are yo sure? Can you finish it tomorrow?" Nanghihinayang na tanong ni Bruce.

"I can't, I have to. You know that."

"I understand. Call me later, as soon as you get home."

"I will. I love you."

"Take care."

Umuwi siya ng bahay at dumeretso siya sa kusina, napansin niyang mukhang gutom si Mango kaya pinakain niya kaagad ito. Pinagmasdan niyang kumain si Mango, naalala niya si Casey, at ang unang araw na makuha niya si Mango, napangiti lamang siya, sabay haplos sa balahibo ni Mango.

"Eat up boy. Maliligo lang ako."

Pagkatapos maligo ni Bruce, naupo ito sa sala, nanonood ito ng TV pero parang nabobored siya. Naisipan niyang tawagan ang tatay ni Casey, dahil guto niyang makasiguro na nakainom ito ng gamot. Biglang narinig niyang may tumutunog sa loob ng kuwarto nito, pinuntahan niya ito. Nakita niyang naiwan nito ang cell phone, pero napansin din ni Bruce na mukhang nagbalot din ito. Kinabahan si Bruce, dahil minsan nagsabi ito na gusto na nitong magbalik sa bahay pero hindi puwede dahil sa kalagayan nito. Tumawag siya sa kanyang papa, pero hindi ito sumasagot. Nagmamadali si Bruce na umalis kasama si Mango, papunta ito sa bahay ng papa niya.

"Going to the bar... Yeah right!" Inis na sabi ni Bruce saba nitong pinaandar ang sasakyan.

I Need You Back©Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin