Nakapulot si Isabella ng isang diary sa daan at dinala nya ito sa kanilang bahay.May plano sana syang isauli ang diary kung kanino man iyon ngunit wala naman syang nakitang pangalan rito. Gusto nyang basahin ang nasa loob nito ngunit naisip nyang hindi naman iyon kanya at saka diary pa iyon pero paano nya naman malalaman kung kanino ito? Kaya binasa nya ito at nakaramdam sya ng sobrang lungkot ng mabasa ang nasa loob ng diary,hiniling nalang nya na sana masaya na ang may-ari nito ngayon.