PROLOGO

5 2 0
                                    

Malapit ng mag alas tres ng hapon at nag lalakad nako pauwi galing akong skwelahan para mag pa enroll dahil pasukan na naman at tapos na ang masasayang araw ko kaya bagot na bagot ako ngayon.

Nag lalakad ako ng may makita akong isang maliit na notebook na nasa tabi ng poste kaya agad ko itong pinulot at tinignan ito.May naka sulat sa harapan na "My Diary" nako at minamalas nga naman ang may-ari nito at nahulog pa nya.

"Nako naman, bat walang pangalan?" sabi ko sa sarili ng wala akong makitang pangalan na naka sulat sa harapan chineck ko ang likod ng notebook at wala ring pangalan doon.

Bigla namang tumunog ang telepono ko at agad ko itong sinagot ng makitang tumatawag si mama.

"Ma?bakit?"

"Anong bakit?hapon na Isabella bakit ang tagal mong mag pa enroll wala kapang kain ano?nagugutom kana ba?" tanong nya.

"Wala pa po, pauwi na ho ako anong ulam ma?"

"Walang ulam, umuwi kana baka gabihin ka" sagot nya at tska pinatayan ako.

Aba etong si mama talaga nag tatanong kung kumain naba ako tapos wala palang ulam, nag expect pa naman ako ng masarap ngayon.

"Nako diary, iuwi muna kita sa bahay saka nalang kita isasauli sa totoong nag mamay-ari sayo at pinapauwi na ako ng aking ina" at nag simula nakong mag lakad ulit.

Nang makauwi ay nag mano muna ako kay mama at pumasok nako sa aking kwarto at humiga agad sa kama ng may ma alala ako, ang diary!.

"Hmm,ang ganda naman ng disenyo sayo.Halatang inaalagaan ka talaga e no?basahin kaya kita?" pag kausap ko sa diary.

Di naman siguro magagalit ang may-ari kung babasahin ko ang diary nya.Pano kasi di ko mahanap ang pangalan nya kaya titignan ko sa loob kung meron ng nakalagay.

Binuksan ko ang diary at sinimulan na itong basahin,napanganga ako ng mabasa ang unang pahina nako po mababasa ko pa ata ang love story nila ng first love nya.

The DiaryWhere stories live. Discover now