Naniniwala ba kayo sa Knight in shining armour?? Kasi naniniwala ako eh. May isang lalaki kase na bigla nalang sumusulpot sa tuwing nasa panganib ako. Again. TUWING NASA PANGANIB lang AKO. Hindi ko sya nakikita ng hindi ako nanganganib. Kapag simple lang yung araw at walang nangyayari saking masama, hindi ko sya nakikita. Hindi ko sya kilala. Maski mukha nga nya hindi ko pa nakikita eh! Hindi ko pa rin naririnig ang boses nya! Ang nakikita ko lang palagi sakanya ay... MATA.