"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong nakita na kita noon ngunit sa ibang panahon at oras? " "Paano kung sabihin ko sayo kung sino ka at ano ang pag katao mo?" Ang tahimik ng paligid hindi ko sya masagot dahil naguguluhan ang isip ko. "Ika - 17 ng Disyembre taong 1654 nung mawala ka" Napatingin ako sa kanya at halos matawa ako dahil kung buhay na ako ng taon na yan dapat matagal na akong wala sa mundong ito "Nagpapatawa ka ba? pasensya na pero kung ipipilit mo saking nag mula ako sa taong yan iisipin ko talagang nababaliw ka na Alces." Tumayo na ako at lalabas na sana ng kwarto "Prilantas!" Napalingon akong muli sa kanya ng nakakunot ang noo, at nakita ko ang mga mata nyang nagsisimula ng lumuha "Alam kong mahal mo ang Prilantas kaya umuwi ka na."