Prologue

4 0 0
                                    


Ang aliwalas ng langit at asul na asul ang kulay. Itinaas ko ang mga kamay ko na parang inaabot ang langit. Sobrang kalmado at ang sarap ng simoy ng hangin. Maririnig mo ang huni ng mga ibon pati nadin ang tunog ng mga halaman at puno sa paligid.

"Korporal! andito ka lang pala kanina ka pa hinahanap ni Koronel Liebe."

Bumangon naman ako sa pagkakahiga at tumingin sa direksyon nya. Nanginginig naman sya at pinagpapawisan habang tinitignan ako. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit, ano na naman kayang problema ang sasabihin sa akin ni Liebe? tsk

"Hoy ikaw! ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Maden po Korporal!"

Sabay pag tayo nya ng maayos at saludo sa akin. Tumayo naman na ako at inayos ang damit ko.

"Maden alam mo ba kung anong oras na?"

Nagulat naman sya at biglang napatingin sa relo nya

"Alas tres po ng hapon korporal!"

Lumapit naman ako sa kanya at nakita kong napalunok sya at halatang pinagpapawisan

"Alam mo bang pinaka ayaw ko sa lahat yung iniistorbo ako ng ganitong oras. Dahil oras ng pahinga ko ang alas tres ng hapon, kaya sa susunod wag mo akong aabalahin at umiinit ang ulo ko."

Napalunok naman sya ulit at sumaludo sa akin

"Opo korporal hindi na po mauulit!"

Tsk Liebe siguraduhin mo lang na importante yang sasabihin mo sa akin kundi pati ikaw malilintikan.

Nagsimula naman na akong bumaba pabalik sa basé namin. Naglalakad ako ngayon sa plaza na puno ng tao nang may bumanga sa aking batang babae. Napatingin sya sa akin at napatingala dahilan para makita ko ang kanyang kakaibang kulay na mata, kulay asul na parang kakulay ng langit.

"Hoy Sayuri! bumalik ka dito!!!"

Nakita ko naman ang isang batang lalake na mukhang humahabol sa kanya. Napatingin sya sa direksyon na yon at muling tumingin sa akin. Hinawakan nya ang laylayan ng kapa ko na para bang humihingi ng tulong. At yung mga mata nya ay parang nagsasalita para sa kanya.

Kaya naman tinanggal ko ang kapa ko at tinalukbong sa kanya sabay buhat. Nakita ko naman yung batang lalake na papalapit sa direksyon namin kaya nagsimula na akong maglakad upang makalayo kami. Naramdaman ko namang napayakap sya sa akin dahil sa takot at nerbyos nya kanina. Nang makalayo layo na kami ay ibinaba ko na sya at kinausap.

"Ikaw ba si Sayuri? yung hinahanap nung batang lalake kanina sa plaza?"

Ibinaba naman nya ang kapa ng bahagya na nakatalukbong sa mukha nya. Nakikita ko na naman ang kulay asul nyang mga mata.

"Ako nga.. Sayuri ang pangalan ko"

Umupo naman ako bahagya para maabot ko sya at magkausap kami ng harapan.

"Pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit ka hinahabol ng batang yun?"

Yumuko sya at makikita mo ang panginginig ng katawan nya.

"Kasama sya nung mga lalakeng gustong kumuha sa akin.
Kanina habang naglalakad ako para bumili ng makakain ng bigla akong harangin ng mga nakakatakot na bandido."

Ano naman kaya ang kalokohang nangyayari sa lugar na ito? Wala namang nabalita sa akin na may mga bandidong nangunguha ng bata sa lugar na ito.

"Ganoon ba? saan ka nakatira ihahatid na kita."

"Sa Milandras doon ako umuuwi."

Nagulat ako sa sinabi nya dahil ang lugar na yun ay para sa mga taong ulila o itinapon mula sa lipunan. Madalas mga matatandang may sakit at mga taong may kapansanan ang nandoroon. Pati mga taong wala ng pamilyang kukupkop wag mong sabihing ang batang ito?

"Hinihintay ka ba ng nanay mong umuwi?"

Umiling lang sya saka yumuko. Tama ang hinala ko magisa na lamang sya buhay

"Noong nakaraang linggo lang nung pumanaw ang nanay ko. Pero hanggang ngayon nasa higaan padin nya ang katawan nya dahil hindi ko alam kung saan sya ililibing."

Malungkot ang mata nya, ganoon na ba kalupit ang mundo ngayon?. Di ko alam kung bakit sya napadpad sa lugar na iyon ngunit alam kong walang kasalanan ang isang paslit na ito.

"Ilang taon ka na?"

"Labing dalawa."

Tumayo akong muli at hinawakan ang kamay nya.

"Isa akong Sertempo kaya ako na ang bahala sayo. Mamaya pupunta tayo sa inuuwian mo pero kailangan mo munang sumama sa akin dahil may importante ako pulong na dapat puntahan."

Napatingin sya sa uniporme ko saka tumango. Madali syang magtiwala sa tao mabuti na lamang at ako ang unang nakakita sa kanya dahil kung hindi baka napahamak na sya.

"Halika na!"

Hinatak ko naman na ang kamay nya saka kami patuloy na naglakad.

Prilantas Where stories live. Discover now