PROLOGUE Ramdam na ramdam ko ang galit at sakit sa buong pagkatao ko. Tila binabalot ako ng dilim at paulit ulit ako pinapaalalahanan na dapat ko na silang patayin. Walang pag aalinlangan, kinuha ko ang kutsilyo sa kusina. Dahan dahan akong lumapit sa likod nya at bago pa sya makaharap yinakap ko na sya mula sa likod at itinutok ang kutsilyo sa lalamunan nya. "E-ery.. Mag papaliwanag ako. ibaba" bago pa nya maituloy ang sasabihin ibinaon ko na sa lalamunan nya ang bagong hasang kutsilyo at saka dahan dahang hiniwa ang leeg . Tumalsik ang dugo nya dahil sa pag kakasaksak at patuloy na umaagos ito mula sa leeg hanggang sa damit nya. Unti unting kumalma ang pakiramdam ko at labis ang tuwa sa nakita. Matapos makumpirmang patay na sya binitawan ko na ang katawan nya at kinuha ang kutsilyong nakabaon sakanya. Yumuko ako sa katawan nyang nakahandusay. Tinitigan ko ang mata nyang nakamulat pa din. Muli, tuwang tuwa akong sinaksak ang mata nya ng ilang beses saka ako umalis. "Nasan na kaya yung iba? " Nawala lahat ng galit saakin at naramdaman kong buo na ang pagkatao ko- na nasakop na ng dilim.