Closer

6 0 0
                                    

Nagising si erynis ng madaling araw dahil sa konting ingay na inilikha sa sala nila. Di sya sigurado kung ano o sino ang nandoon, pero pinili nya pa ding bumangon para alamin kung anong meron.

Dahan dahan syang nag lakad at lumabas ng kwarto. Tinungo nya ang hagdan. mula doon masisilip nya ang sala.

"Ikaw ang nag simula nito!" Narinig nya sa di kalayuan ang galit na boses ng kuya ted nya na may kausap sa kabilang linya.

Sinubukan ni ery na lumapit pa sa kinaroroonan ng kuya nya ng hindi sya nakikita.

"Alam mo, pasalamat ka nalang nga at wala syang naaalala eh!"

Nagulat si ery sa narinig . Alam nyang sya ang pinag uusapan ng dalawa .

"Ako lang ang tatawag sayo. Wag muna tayo mag usap hanggat di pa tayo sigurado sa nangyari sakanya"

Pag katapos non, pinatay na ni ted ang cellphone nya.

Tiningnan ni ery ang reaksyon ng mukha ng kuya nya, nakatulala lang to at tila ang lalim ng iniisip.

Bago pa man sya makita ng kuya nya sa pinag tataguan nya, umakyat na sya at bumalik ng kwarto.

Nakatulala lang si ery sa higaan iniisip ng paulit ulit ang sinabi ni ted tungkol sakanya. Alam nyang may dapat pa syang malaman.

Kailangan kong makita kung sinong kausap nya sabi ni ery sa sarili.

Sumapit na ang umaga, halos di nakatulog si ery sa kakaisip.
kinatok sya ng kuya nya sa kwarto para mag paalam.

"Ery?" Pag katapos kumatok, binuksan na ni ted ang pinto. Nag taka sya ng makita nyang nakahiga pa din si ery

"Wala kang pupuntahan ngayon?"

Umiling lang si ery.

"Kuya may load ka? Makiki text sana ako. Itetext ko si emma"

" Oo meron. Ako na mag tetext, anong sasabihin mo? " Nabigo si ery makita ang cellphone ng kuya nya ng sabihin neto na sya ang mag tetext. Halatang ayaw ipahawak sakanya ang cellphone.

" Mag papaalam lang na hindi muna ako makakapasok"

" Sige ako na bahala"

Tumango lang si ery. At Nag paalam na sakanya ang kuya nya.

Pag kaalis na pag kaalis neto, agad tinungo ni ery ang kwarto ng kuya nya.

Nag halungkat sya sa buong kwarto. Higaan, cabinet, drawer pero nabigo syang may makitang kahit ano para may maalala sya sa nangyari.

Siguro kung may itatago man si kuya, hindi nya ilalagay yon sa kwarto nya

Agad syang tumakbo sa sala kung saan madalas nag lalagi si ted .

Tiningnan nya lahat ng drawer, Sofa , tv rack, basurahan, nag punta din sya ng kusina at bakuran. halos baliktarin nya lahat ng gamit sa loob ng bahay nila ngunit wala pa din syang makita.

Napaupo nalang si ery sa sobrang pagod ng wala syang napala sa kakahanap.

Mukhang walang balak mag pahuli ang kuya nya kaya walang makita si ery na kahit anong kakaibang gamit sakanila.

Nag punta si ery sa pinto para isarado eto pero habang nag lalakad sya, tila may maliit na bagay syang nasipa.

Ano yun? Agad napayuko si ery para tingnan.

"Singsing?" Dinampot nya to at nag taka dahil sobrang pamilyar sakanya ang singsing na to.

Kay Evan to ah? Hindi naman nag pupunta si evan sa bahay nila kaya nag taka sya kung bakit mapupunta ang singsing ni Evan don.

Baka isa yun sa nawawalang memorya ni ery.

Nagkaroon sya ng idea na puntahan si Evan at sundan pag katapos ng klase.

Agad agad syang nag ayos at umalis para abangan si Evan sa labas ng univesity.

Ilang minuto pa ng pag aabang , nakita nyang palabas na si Emma, Evan at Kail .

Nag punta ang tatlo sa pinag kakainan nila palagi. Napansin din ni ery na wala na nga ang singsing ni Evan sa daliri nya.
Ng matapos ang tatlo, mukhang wala pa din balak ang mga to mag hiwahiwalay.

Sumakay ang mga to sa sasakyan ni Kail. Na sinundan naman agad ni ery ng hindi masyadong nag papahalata.

Unfamiliar ang kalsadang mga nadaanan nila kaya lalong nag taka si Ery. Onti onting bumibilis ang kabog ng dibdib nya.
Matagal nya ng kilala ang tatlo, ngunit kahit kailan di sila nag punta sa lugar na to.

Medyo dumidilim na nga ngunit nasa byahe pa din sila. Ilang kilometro pa, lumiko na si kail at inihinto ang sasakyan.

Nag parada si Ery di kalayuan at linakad nya na ang pinag pasukang bahay ng tatlo.

Salamat sa dilim at hindi sya basta basta makikita ng mga to.

Malawak ang bahay na pinuntahan nila ngunit parang sila sila lang din ang tao.

Mula sa labas ng malaking bintana nakita ni Ery na may ibang taong kausap ang mga to.
Pinipilit nya makita, ngunit di na matanaw sa labas.
Hindi nya rin marinig ang pinag uusapan.

Mayamaya pa, Tumayo si Evan at Kail para manigarilyo at mag bukas ng beer .

Pagkaalis na pag kaalis ng dalawa, hinalikan ni Emma ang lalaking kausap.
Laking gulat ni Ery ng makita nyang si Ted yon.

Gulong gulo sya sa nakikita.
Paano? Wala akong alam na may relasyon yung dalawa.
Palagi ko namang kasama si Emma pero wala syang nababanggit saakin tungkol kay kuya.

"Argh!!!" Kinagat ni Ery ang labi nya para pigilan ang sarili sa pag sigaw. Bumalik nanaman bigla ang sakit ng ulo nya.

"Sila.. Sila ang dahilan" tila may malamig na boses ang bumulong saakin. Pamilyar na boses na sa panaginip ko lang noon naririnig.

The Resurrection of The WickedWhere stories live. Discover now